Chapter Fourteen

852 19 6
                                    

Another Problem?

"Are you ready to meet our parents?" isang tanong na hindi ko alam ang sagot. Handa na nga ba akong makilala ang mga magulang nila?

Napakahirap magdesisyon lalo na at kakagaling ko lang sa isang hindi magandang pagtatagpo sa pagitan namin ng magulang ko, pero alam ko sa sarili ko na basta para sa kanila handa akong gawin ang kahit na ano.

"Paano kung hindi nila ako magustuhan?" Isang tanong ang ibinato ko sa magkapatid, sabay na nangunot ang noo ng mga ito at sabay na tumikhim. "Pati pagkunot ng noo ang cute nila haayy hindi ko akalain na mahal nila ako."

"They'll love you, huwag kang mag-alala" pagsisiguro nilang dalawa but I know it's not easy dahil parents na nila yung pinag-uusapan.

"Yung parents ko nga ayaw sakin, parents pa kaya nila" napabuntong hininga nalang ako sa mga pinag-iisip ko.

"Hey! What's with the deep sigh?" Cray asked.

"You know that it's not easy, what if your parents found out that I'm a stripper? Or worse that the three of us have a thing, they'll find it absurd." Mahabang litanya ko na in-emphasize pa ang word na thing.

"We don't care, Angel, this is a free country and we can do whatever the hell we want!" may kataasan ang boses na sambit ni Carson.

"I'm sorry, but you can't blame me, I have been rejected even by my own family, and I don't want to feel that again. Ayoko ng maramdaman yung pagtanggi at hindi pagtanggap ng marami sa pagkatao ko." mahinang sagot ko at napayuko nalang dahil alam kong nagagalit na sila sa akin.

"Oh right, you've been rejected by your own family and if something like that happened again it feels like tinanggihan ka na naman ulit." mahabang litanya din ni Carson.

"Baby di ba kagabi sabi namin sayo na kahit anong mangyari nandito kame, at walang ibang pwedeng manakit sayo, kahit na magulang pa namin." malambing ang boses na saad ni cray at niyakap ako ng mahigpit. Sa lambing ng boses niya nawawala ang bumabagabag sa akin, nakakawala ito ng problema.

"Just trust us okay?" paniniguro ni Carson, wala akong magawa kundi ang tumango at magtiwala sa kanilang dalawa. Yumakap na din si Carson sa akin at humalik sa aking noo.

Pagkatapos ng pag-uusap namin na iyon ay natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakasakay sa kanilang sasakyan at papunta na sa town house nila sa tagaytay.

Nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan at pinagnmamasdan ang mga tanawin pero hindi ko maapreciate ang ganda na nakikita ko. Masyadong malalim ang nilalakbay ng isip ko, hindi din ito nakakatulong para maibsan ang panginginig ng mga kamay ko.

Habang ang dalawa naman ay masayang nag-uusap pero heto ako at tulala sa daan. May kakaibang kaba ang hatid sa akin ng pagpunta namin sa tagaytay, kabang hindi ko maipaliwanag, siguro ay masyado lang akong nag-aalala. Pilit kong iwinaksi ang kung anumang iniisip ko ng sa gayon ay mawala na itong kabang nararamdaman ko.

Ilang oras ang naging byahe namin mula sa Quezon City papuntang tagaytay, may mga oras na makakaidlip ako ngunit wala pang limang minuto ay magigising na naman.

Hindi ko alam kung bakit ganon, pero nagpaulit-ulit ang pangyayaring iyon hanggang sa makapasok kami sa mismong bayan ng tagaytay.

Habang binabagtas namin ang kahabaan ng isang barangay ay hindi ko maiwasan ang muli na namang kabahan. Hindi pamilyar sa akin ang daan na aming tinatahak ito ang unang beses na makapunta ako ng tagaytay at sana ay hindi ito ang maging huli.

"Hey malapit na ba tayo? tanong ko sa dalawang nasa harapan pero hindi yata nila ako narinig dahil mukhang may importante silang pinag-uusapan.

"Hey! Malapit na ba tayo?!" mas malakas na tanong ko ulit na ikinagulat nila, para silang binulabog na langgam bahagya pang namutla ang kanilang mga mukha.

Moon Star: The Lucky Stipper (Published under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon