Carson POV
One year later....
"Mr. Constantine-" magsasalita palang sana si Ms. Corpuz ang aming sekretarya ng may tatlong boses ang sumagot or more like sumigaw dahil sa lakas ng boses, "YES?!" napatapik sa noo ang sekretarya ng maalala na apat na tao ang laging magkakasamang nagkukuta dito sa C.E.O's office, kung tutuusin wala pa nga yung pang-lima sana, dahil nasa bakasyon pa ito.
Napailing nalang ako sa mga kasama ko at sinamaan ang mga ito ng tingin, bago ako seryosong bumaling kay Stephanie para tanungin kung ano ang gusto nitong sabihin, "ano yun Ms. Corpuz?"
"Daddy scary..." Natutulalang napatingin ako kay Clade ng marinig ko ang sinabi niya, dahil bigla kong naalala yung taong mahilig magsabi nung salitang iyon, kadalasan ay ang salitang "you're so serious, it's scary" o kaya naman ay "stop that! You'll scare them".
Ang tagal ko na din palang hindi naririnig iyon, ang tagal naman niya kasing magbakasyon.
"Mr. Constantine?" Nagtatakang tanong ng sekretarya na hindi ko sinagot.
"Bro!" Agaw-atensyon ni Cray sa akin gamit ang malakas na tinig.
"Stop shouting!" I snapped at him,
"I'm not shouting, you were just spacing out" natatawang saad ng kapatid ko
Imbes na sagutin ko ang kapatid ko ay mas pinili kong harapin ang sekretarya namin na kanina pa nakatayo sa harap namin, "you were saying?"
"Mr. Villarubin himself is here, and he wanted to talk to you sir." Our secretary said
"Let him in" pagkatapos kong sabihin iyon ay tumalikod na yung secretary para kausapin ang aming panauhin.
"Dada?" Clyde ask habang naglalakad papunta sa akin
"Bakit anak?" Takang tanong ko
Nang makalapit sa akin si Clyde ay binuhat ko ang anak ko at ikinandong.
"Mama?" Pagkasabi ni Clyde nun ay nagkatinginan kami ni Cray at sabay na napabuntong hininga.
"Clade? Halika dito kay daddy" tinawag ni cray ang isa pang anak namin para palapitin.
Clade Angelo Constantine and Clyde Angelo Constantine are twins, our wife gave birth to them a year ago.
Kasalukuyang naglalakad si Clade papunta kay Cray ng biglang bumukas ang pinto na naging dahilan ng pagtigil nito.
Napakunot ang noo ng anak namin habang nakatingin sa lalaking may seryosong tingin.
Nagtagal ang tingin ni Clade sa bisita namin, pero ang mga mata nitong seryoso ay unti-unting nanlaki na para bang multo ang kaharap at mabilis na kumaripas ng takbo papunta sa kapatid ko.
Sa tuwing ganyan ang reaksiyon ng kambal ay hindi ko maiwasan ang maisip at mamiss ang nanay nila.
Parehas na parehas ang reaksiyon, expression at hobbies ng kambal sa namayapa naming asawa.
Tama po kayo ng basa, our wife is dead, she died giving birth to our twins.
Late ng nadiagnosed na mayroon siyang heart condition kung saan yung puso niya ay unti-unting lumalaki.
Nalaman lang namin yung tungkol sa condition niya nung manganganak na siya, kaya naman kahit na via cesarian section siya nung manganak ay hindi namin napigilan ang mga maaaring mangyari.
Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa din yung sarili ko sa nangyari, kung sana ay naramdaman ko na may sakit siya ay hindi sana nangyari ito.
Sana ngayon ay masaya kaming magkakasama.
![](https://img.wattpad.com/cover/315227938-288-k944184.jpg)
BINABASA MO ANG
Moon Star: The Lucky Stipper (Published under Immac PPH)
Roman d'amourThey said what happened in the past stays in the past! Yun sana ang gustong mangyari ni Angelina. A 28 years old girl who came from a poor family na tubong Cagayan De Oro City na napilitang manirahan sa maynila. Angelina is always optimistic in life...