Chapter Eleven 🔞

1.2K 21 0
                                    

Angelina POV

Vacation Out of Town Part Two

The next morning..

Alas sais palang ng umaga ay nakaalis na kami sa bahay para tumungo sa mga tourist spots. Yung paglilibot sana namin sa buong area kagabi ay hindi natuloy dahil after naming kumain sa malapit na restaurant ay nag aya na silang umuwi.

Last night was irresistible and amazing We spent our whole night in bed doing a couple things, the two are insatiable they never get tired, they ravished me until I begged them to stop.

"Sir diretso na po ba tayo sa General Luna port para sa island hopping? magalang na tanong ng driver

"No kuya, kakain muna po tayo, so drop po tayo sa restaurant somewhere in General Luna." Cray answered

As you can see we don't stay in General Luna the center of siargao city. They have a place 30 minutes away from General Luna so it's better if we stay in their place, sayang pa yung pang bayad sa hotel eh one week lang naman kami dito.

After thirty minutes of smooth drive nakarating din kami sa General Luna. General Luna really is the Center of Siargao for I can see a lot of locals and tourists roaming around the area.

"Manong saan po ang cloud 9 ng General Luna" Hindi ko napigilan ang magtanong na kaagad namang sinagot ni Mang Narcing.

Napag-alaman ko mula sa magkapatid na tubong manila daw si Mang Narcing na nakipagsapalaran bilang driver sa isang kumpanya hanggang sa nakakilala ng taga-rito na siyang napangasawa nito kaya mula noon ay hindi na ito bumalik ng maynila.

"Ayun po ma'am yung cloud 9 dito sa General Luna" tinuro ni kuyang driver yung medyo may kalayuan sa pinag paradahan namin ng sasakyan.

Cloud 9 is famous for its beautiful waves na talagang dinadayo ng mga surfers local man or foreign.

Natanaw ko din yung boardwalk nila kung saan may view deck doon na pwede mong panoorin yung mga nagsu-surfing.

Nasa eroplano palang kami ay nag research na ako ng mga lugar dito sa Siargao na pwede naming puntahan. At sinasabi ko sa inyo deserve ng lugar na ito ang maraming parangal. The place itself is amazing not to mention the locals who are very accommodating, you'll really feel their hospitality and genuine intentions to introduce their place to everyone.

We settled ourselves sa isa sa mga restaurant sa General Luna, it is a seafood restaurant and it is by the beach. The three of us ordered the same food, si manong driver lang yung naiba ng order. I have a thing in seafood at talagang gustong-gusto kong kumakain nito, ni hindi ako nagsasawa. After breakfast dumiretso muna kami sa boardwalk para tignan yung mga nagsusurf.

Sa sasakyan palang hindi na ako matigil sa pag kuha ng litrato selfie dito, selfie doon. Sumakit na nga yung panga ko sa kakangiti, samantalang yung dalawang kasama ko parang mga modelo sa sobrang kakisigan natural na natural sila sa picture, habang ako parang ewan yung mukha.

Ang unfair ng buhay, meron talagang effortless yung pagiging maganda at gwapo meron naman yung todo effort ka na wala pa din parang ako lang todo effort na, pero feeling ko ang pangit ko pa din.

Kaagad kaming lumabas sa sasakyan ng makarating kami sa destinasyon namin. Hinatak ko na kaagad yung dalawa sa boardwalk para makapag picture na kami, hinayaan na namin si kuyang driver na mag park ng sasakyan and besides alam ko namang maglalakad-lakad din yun sa area.

Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng boardwalk at talagang nakakamangha ang ganda nito, partida wala pa kami sa view deck.

"Hey could you take a picture of us?" Cray asked the lady politely

Moon Star: The Lucky Stipper (Published under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon