Chapter Nineteen 🔞

965 11 0
                                    

ANG KABANATANG ITO AY MAY MASELANG PAKSA

HAPPY READING

The Proposal (Flashback)

Nandito kami ngayon sa Crystal at nagcecelebrate, kami lang ang  tao dito, hindi ko alam kung ano ang ginawa ng dalawang ito pero knowing them baka nirentahan nila itong buong lugar para lang magawa nila ang proposal nila.

Masaya akong pinapanood ang mga kasama kong masayang nagkukwentuhan at nag-iinuman nakakaingit silang panoodin na umiinom, gusto ko din sana kaso alam ko namang bawal kaya ito para daw hindi ako mainggit ay ipinagtimpla ako ng magkapatid ng gatas.

“Can you imagine, you’re in some bar and instead of alcohol, you’re drinking milk? well I don't have much of a choice kase masyadong makulit ang magkapatid, sinabi ko sa dalawa na wag na akong ipagtimpla pero makulit eh."

Napadako ang tingin ko sa kamay ko na ngayon ay may nakasuot nang dalawang singsing, “oo dalawa, kasi dalawa silang nag propose”. Habang tahimik na nakatingin sa singsing ay nakita kong hinawakan nilang magkapatid ang mga kamay ko.

“We’re sorry Angel kung hindi ka namin pinansin kanina.” Paghingi ng paumanhin ni Carson… “I felt horrible, we’re not gonna do that again promise” dugtong naman ni Cray.

"And we're sorry kung hindi namin kaagad naisip yung kalagayan mo." muling dugtong ni Carson at hinalikan ang kamay ko.

Dahil sa sinabi nila ay unti unting tumalim ang tingin ko sa kanilang dalawa.

“You guys have a lot of explaining to do!” nakataas ang isang kilay habang malamig ang tonong sambit ko sa kanila.

Magkakasunod na napalunok ang magkapatid  at hindi alam ang sasabihin.

“Ahh… kase angel… alam mo na- part lang ng plano…” kandabulol sa pagpapaliwanag ang magkapatid kasabay ng  alanganing ngiti.

“humanda kayo sakin mamaya!” ngumiti ako sa kanila ng malademonyong ngiti pero imbes na matakot ay napangiti din sila. Isang ngiti na naghatid ng libu libong kuryente sa buong katawan ko.

“ehem!!!” agaw ni mama mosang sa atensyon namin. Napatingin kami sa kanya at nakita namin siyang nakatayo at may hawak na baso ng beer.

“Cray, Carson at Angelina anak na ang turing ko sa inyo, kaya naman ang makita kayong masaya ang isa sa pinakahihiling ko, wag niyo sanang sasaktan ang isa’t isa, pagtiisan niyo ang isa’t isa kahit anong problema man ang harapin niyo, congratulations sa nararating na kasal at sa magiging baby niyo!”

“MAMA!!” mabilis akong tumakbo sa gawi niya at niyakap siya. Habang nasa likuran ko naman ang mapapangasawa ko na nakasimangot sa akin  “mapapangasawa, ang sarap banggitin nang salitang iyon”

“Thank you po mama Mosang” nakangiting pasasalamat ng magkapatid.

Tinapik lang ni Mama ang dalawa sa balikat, kumalas ako sa pagkakayakap ko kay mama at nakangiting tumingin lang sa kanya “sana hindi matapos ang kasiyahang ito”

“Angel!” napalingon ako kay Cray ng tawagin niya ang pangalan ko

“oh?”

“Wag kang takbo ng takbo baka mamaya madisgrasya kayo ni baby!” napanguso ako habang pigil ang ngiti na nakatingin sa magkapatid “masyadong overprotective ang dalawang ito sa akin”

“Ate congrats sa inyong tatlo!” magiliw na tinitigan ko sa Amara at niyakap.

“Thank you!” nag pasalamat ako sa kanya at mas hinigpitan pa ang yakap.

Moon Star: The Lucky Stipper (Published under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon