4.
Vyrl's Point of View
"Nagkita kami ulit ni Irene!" Patingin tingin sa mga tao sa likod namin ni Liam habang naglalakad sa pathway.
"Yan ba yung babaeng kinikwento mo?" Sabay alis ng earpods sa kaliwang tainga nya, pero tutok lang sa cellphone nya.
"Bakit di mo kaya sya dalhin dito sa mundo natin Vyrl tas ipakilala mo sa'min para ma sagot namin kung bakit nababaliw ka sa babaeng yan!" Sabay tingin nya sakin
"Tama!" Sabay tigil sa paglalakad at tiningnan si Liam sa mga mata nya, "Tama Liam! Pero papano?" Biglang pagkawala ng excitement sa mga mata ko. "Pwede kaya yun?" Tanong ko pa saka tumuloy kami sa paglalakad papuntang classroom.
"Ang aga mo nanan" nang mapansin si Aeron na naunang dumating sa'min at may binabasa sa notes nya, lumapit kami ni Liam sa kanya at tiningnan kung anong pinagkakaabalahan nya, bakit parang di kami napansin.
"Tama quiz!" Gulat na sigaw ni Liam
"Ano!" Basta nalang akong nawalan ng gana, kakaaga, quiz agad wewelcome sakin tapos absent pako ng dalawang araw. "Bakit di n'yo ko sinabihan kagabi?" Agad kong tanong nang maalalang dinalaw nga pala nila ako kagabi.
"Ngayon ko nga lang din naalala!" Sambit ni Liam, "Nag message ako sayo kagabi!" Sabi ni Aeron habang seryoso paring nagbabasa.
"Ha?"
"Check mo!" Sabi nya pa, kaagad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko, at chineck ang mga message.
"Diba!"
"Sh*t, anong subject yan? Anong topic?" Agad kong tanong habang papunta sa desk ko.
"Science-10, physics, Electromagnetic wave theory tapos electromagnetic spectrum!" Sigaw ni Aeron
"First Period?" Sabay pagmamadali sa locker sa gilid at kinuha ang libro sa science. Bumalik ako sa upoan ko at sinubukang e-digest ang mga binabasa, dalawang lesson in less than an hour! But it could be okay, medyo may kaunting stock knowledge naman ako dito kasi connected to sa Research Proposal namin, given that I'm the one visualize the project. "Andaming terms, may problem solving?" Pasigaw ko pa
"Wala ata! Short quiz lang naman eh!" Sabi pa ni Aeron at pagtingin ko kay Liam, "Wow unprepared pero chill'n like a villain!" Sabi ko pa sa kanya.
"Ano pa't kaibigan ko kayo!" Sabay ng malapad nyang ngisi,
"Talaga ba Liam?" Nakakunot noong tiningnan ni Aeron si Liam, biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Liam at saka dalidaling kinuha narin ang libro nya, present pero di rin pala nag take note grabe level ng pagiging lowkey kinarer talaga.
Itinuloy ko ang binabasa ko, ilang minuto lang ang nakalipas dumating na si Miss Kim. "Good Morning Miss Kim!" Sabay na sambit ng lahat.
"Take your set!" Sabay na nagsiupoan lahat at umalingaw-ngaw ang nakakabinging katahimikan.
"Get one half sheet of paper" Mahinang sambit ni Miss Kim, habang nakaharap sa laptop nya.
"One half Miss?" Ang pabibong si Liam napatingin lahat sa kanya.
"Nakita ko lang meme sa social media!" Mahina nyang sambit sabay yuko ng ulo nya sa papel nya. Ang iba napangiti ang iba naman deadma at mas matimbang ang quiz na di kayang baguhin ang kaba nilang lahat.
BINABASA MO ANG
11.11
Science FictionWhat if one time bigla ka nalang napasok sa isang unfamiliar place in unfamiliar time, mamuhay sa ibang kataohan na ibang iba sa karakter mo at makakilala ng babaeng aagaw sa atensyon mo at malaman na tuwing 11.11 sa kalagitnaan ng gabi mo lang pwed...