7.
Vyrl's Point of View
Naghihintay sa oras, tulalang nakaupo sa kama, di alam anong gagawin, parang matapos ang pangyayari kahapon, parang ayaw ko nang bumalik pa do'n pero isip ko naman iniisip si Irene.
Tumayo ako at nilapitan ang pusa habang natutulog sa kama ko, solong solo nya ang lapad ng kama. Hinimas-himas ko balahibo nya habang inaabot ang phone ko sa dulo ng kama. Tinawagan ko si Aeron pero walang sumasagot, baka tulog na ata.
Lumabas nalang ako ng kwarto at pumunta sa sala, inopen ko ang phone ko at nanuod ng lates episode ng anime na pinapanuod ko, di ko alam parang wala sa condition ang katawan ko, parang di na tulad first days na ganadaong ganado akong maghintay ang bumangon tuwing alas onse, ngayon parang nagdadalawang isip na ako at napililitan nalang dahil sa responsibilidad ko kay Irene.
Andami ko nang delay activities at naipit pa ako sa sitwasyon na di naman dapat.
"Papatulogin kaya ako ng konsensya ko kapag pinabayaan ko si Irene, kahit pa kaunting panahon pa lang kaming nagkasama, kakaiba yung impact nya sa'kin!" Papahigang bulong sa sarili.
Ilang minutong panunuod agad ko ring binitawan ang cellphone ko at dina ipinauloy ang pinapanuod. Talagang kakaibang katamaran ang sumapi sa'kin ngayon, halos buong maghapon akong nasa bahay lang at kain, higa tapos kain higa yun lang nangyari sa buong araw ko. Takot, panghihinayang at katamaran ang best combo talaga para talunin ang fighting spirit ko.
Tumayo ako ulit at kinuha ang phone ko sabay exit, at nag scroll sa social media, parang mababaliw na talaga ako kakaisip sa mga posibilidad. Di ko na alam anong gagawin ko puro nalang negative ang naiisip ko.
"Minsan talaga pangit din pagiging curious, sobrang delikado pwede kang dalhin kahit saan!" Sabay kamot sa ulo.
Kahit anong diverse ko sa isip ko talagang babalik at babalik talaga sya sa kay Irene,
"Bakit!"
Ibinaba ko ulit ang cellphone ko sa sofa isinandal ang ulo at nakatihayang nakatingin sa kisame. Parang gusto ko nalang hilingin na mawalan ng hininga para di ko na kargo de konsensya si Irene pag wala na ako.
"Lord please alam ko po di ako masyadong lumalapit sa inyo at di ko po alam kung pakikingan n'yo kaya ako, pero please po give me relief and proper mind condition sa dapat kong gawin, kailangang kailangan ko po kayo!" Nakapikit ang mata
Napahawak ako sa mukha ko after, "Please Lord!" Sambit ko pa, bago ako napatingin sa reflection ng ilaw sa sahig galing sa kusina.
"Ito po ba?" Sabay bangon at dahan dahang naglakad papuntang kusina. "Is this the right thing to do?" Mahinang tanong ko sa sarili
"Babalik o Hindi?" Kaunting hakbang ang pagitan sa liwanag, nakapikit akong humakbang papasok sa liwanag,
Pagdilat ng mga mata ko nasa bahay na ako at maliwanag ang buong paligid. Dalidali akong lumapit sa bintana at tiningnan ang labas kung may nagmamasid ba, pero wala namang kahinahinala kaya bumalik ako sa harap ng kwarto at hinayaang matumba ang katawan ko sa kama.
"Tama ba to? Tama sana to!" Sambit ko habang ginugulo ang buhok
Bigla akong napausog ng parang may kung ano akong nahigaan, "Cellphone ni Irene!" Nang maalala na di ko pala na isauli sa kanya kahapon. Agad akong tumayo at kinuha ang cellphone kinuha ko narin ang cellphone ko sa kabila at saka bumaba sa sala.
"Pano ba to?" Bubuksan ko na sana ang pinto pero parang pinipigilan ako ng mga paa ko.
Pero binuksan ko parin ang pinto at agad pumuntang garahe at kinuha ang bike saka nagmadali akong pumunta kina Irene.
BINABASA MO ANG
11.11
Science FictionWhat if one time bigla ka nalang napasok sa isang unfamiliar place in unfamiliar time, mamuhay sa ibang kataohan na ibang iba sa karakter mo at makakilala ng babaeng aagaw sa atensyon mo at malaman na tuwing 11.11 sa kalagitnaan ng gabi mo lang pwed...