Chapter Two

9 4 0
                                    

2.

Vyrl's Point of View

"O ano Vyrl? Nakita mo ulit yung portal? Yung babae?" Bungad na tanong ni Liam habang papasok palang ako sa classroom.

"Hindi eh tinapos kong basahin sana yung RRL kaso di ko namalayan nakatulog ako at pag gising ko 6:45 na kaya nag mdali na akong pumunta dito!" Sabi ko pa saka dumeritso sa upoan ko.

"Guys di ko parin alam pano dapat!" At Isang buntong hininga ni Aeron matapos malapag ang bag nya.

"Di ko alam papaano, pero I think we need to review solar cell? Same kasi silla light is another type of EM waves. Ang di ko lang sure about If may kasama bang photon ang naabsorb ng antenna or purely electrical signals! Actually wala talaga ako alam walang pumapasok sa binasa ko kagabi!" At sabay nang malapad na ngiti, kulang ata ni review ko kagabie para magpabibk today.

"Actually may point ka naman, pero ako din di ko rin alam!" Sabay tawa naming dalawa ni Aeron

"Ikaw Liam ano ni review mo kagabi?" Busy parin sya sa kung ano bang tinitingnan nya sa phone nya.

"Hoy Liam!" Sambit ko ng di man lang sumagot at pangiti-ngiti pang nakatingin sa phone nya.

"Ah! Eh wala! Nanunuod ako kagabi ng Championship series!" Sambit nya pa habang nasa cellphone parin ang tingin. "Dumating na nga pala ang parcel ko pero di ko pa nabubuksan!" Wala talaga syang pake sa ibang mga bagay ang importante lang sa kanya daily update sa pangyayari sa eSports community.

"By the way guys si Colosos pala binuy out ng ZG!"

Nagkatinginan nalang kami ni Aeron at napalingo lingo. Unti unti nang nagsidatingan ang iba pa naming kaklase at exactly 8 dumating din si miss Leah Science-10 namin at adviser din namin.

Natapos ang first period namin na parang wala ako sa mood sinundan kaagad ng second period pero dahil nasa last column kami nasa labas ang mga tingin ko at parang lumulutang lang ako sa hangin, medyo late narin akong natulog kagabi at two consecutive nights na nawala akong maayos na tulog. Pag ka recess nagpabili lang din ako kina Aeron ng drinks at naiwan sa classroom. Tapos buong afternoon class namin natulog lang ako sa desk ko na di alintana ang teacher na makakapmasin sakin.

Pagkauwi ng bahay, pagkatapos magbihis diretso ako sa kama at nahiga ka aagad ewan ko ba parang ang Hina talaga ng katawan ko. Papapikit na sana ako ng inabot ko ang phone ko sa kabilang dulo ng kama. Saka naisipan kong mag set ng alarm sa 10:45, baka kasi matagal akong bumangon.

* * *

"Hmm!" Agad agad pagkatunog ng alarm ko, pumikit pa ako sandali at five minutes after tunog ulit ng alarm dali kung kinuha ang cellphone ko sa gilid.

10:50 wala sa sarili akong bumangon at ilang minuto ring nakaupo lang sa kama, saka isang inat ng katawan bago naglakad at binuksan ang pinto.

Diretso sa kusina ang lakad ko, naka on ang mga ilaw, ganito kasi talaga usually lalo na pag andito sina mom. nagmadali akong tingan ang oras sa cellphone, pagkatingin ko sa spot kung saan ko rin nakita yung umiilaw last night. 10:57

Naglakad ako papuntang dining table at iniharap ang upoan sa harap ng spot saan lumabas yung ilaw. Matyagang nakatingin at naghihintay na lumabas ang ilaw. 11.11 pagkatingin ko sa cellphone ko. Pero wala namang ilaw na lumabas, parang nasayang lang ata oras at effort ko sa pag alarm.

11.11 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon