Kapitulo Sais

31 2 0
                                    

Kapitulo Sais

Paalala

* * *

Calvin Harry Sy

Immortalia Academia Castle

KUNG TINGNAN ang kabuuan ng Immortalia Academia Castle ay natural sa paningin ng lahat na Immortal. Na parang bang dambuhalang kastilyo lang ito na yari sa sari-saring mga mamahaling bato. Sa pinakaimportanteng bahagi ng Kastilyo ay may mga nakahilerang silid na nagsisilbing kuwarto ng Immortal gods and goddess o mas kilalang nakaupo sa walong trono ng Immortalia at kinikilalang taga-protekta ng bawat kaharian. Ang aming silid ay kakaiba sa normal na Immortal. Akala nang lahat ay kumpleto ng mga mamahaling gamit sa loob ng silid namin. ‘Yon ang inakala ng ibang Immortal na nilalang. Lingid sa kanilang kaalaman, ang aming mga silid ay hindi pangkaraniwan.

Ito’y iba sa mga mata ng mga Immortal na may basbas ng kambal na diyos na katulad ng–diyos at diyosa na nakaupo sa walong trono. Hindi ito normal sa aming paningin. Dahil bawat silid ng kastilyo ay may katumbas na lugar, ganoon din ang mga mismong silid ng diyos at diyosa pero nababatay naman iyon sa aming kapangyarihan. Ang aming silid ay parang aming mundo at buhay. Kung mamatay kami ay mamatay rin ang aming silid. Mawala ito na parang bula. Sa bawat silid din matagpuan ang portal papunta sa bawat kaharian na pinapangalagaan ng bawat diyos at diyosa. Matatanaw sa silid ang bawat kaharian na pinapangalagaan ng bawat isa.

Immortal will die and vanish in this world using the powerful blade called Immortal Sword. Iyon ang ginagamit tuwing hahatulan ng kamatayan ang isang Immortal at nasa pangangalaga ko ang patalim na ito. May basbas ng kambal na panginoon ng Immortalia ang Immortal Sword. Kaya nitong patayin ang kahit sino.

Napatingin ako sa kabuuang lugar ng Immortalia gamit ang mahiwagang pisara na makita ang buong sulok ng Immortalia. Malawak, napakagandang lugar at puno ng masasayang tawa. Hiniling ko na sana ay mamuhay nang mapayapa ang mga taong naninirahan sa Immortalia. Ipamana sa lahat ang kabutihan sa puso na walang kaguluhang mamagitan sa bawat nilalang dito. Siguro ito na lang ang huli na makita kong masaya at walang gulo ang Immortalia dahil malapit na ang nakatakdang mangyari sa Immortalia.

Napako ang tingin ko sa babaeng inosente sa lahat. Sa babaeng palagi kong sinasagip. Hindi ako makapaniwala na malaki na ito at ang taglay na kagandahan ay manang-mana sa kanyang ama’t ina.

“Alam ko sa iyong pagbalik sa Immortalia ay magbago ang lahat. Nawa’y hindi ka magpadala sa mga kasamaan, my little Sky…” bulong ko sa aking isipan.

Umupo ako sa gintong upuan, kinuha ko ang mahiwang panulat at papel. Handa na ako ipaalam sa lahat ang magandang balita sa lahat ng kaharian. Maging balanse na rin ang takbo ng Imortalia dahil kumpleto na ang kaharian at ang mga may kapangyarihang elemento.

Nagsimula kong igalaw ang dulo ng mahiwang panulat sa mahiwagang papel. Humulma ng mga letra hanggang sa makabuo ng isang liham. Maingat ang aking paggalaw para hindi ako magkamali.

“Siguro naman ay nahanap mo na ang iyong kapares, Lord Calvin? Anim na taon kang nawala sa Immortalia at hindi mo pa rin sinabi sa akin–sa amin kung saan ka nagtungo.”

Napatigil ako sa pagsusulat dahil sa narinig kong salita galing kay Lord Ariwindo–ang ikalawa sa malalakas na Immortal na nakaupo sa pilak na trono. Alam kong matagal akong nawala sa Immortalia. Dahil ang anim na buwan sa mundo ng mga mortal ay anim na taon ang katumbas nito sa mundo ng mga Immortal na tulad namin.

Hindi nga ako nagpaalam dahil hindi na kailangan. Alam kong hindi ako payagang pumunta sa mundo ng mga mortal ng iba pang diyos at diyosa ng Immortalia kung magpaalam pa ako.

Sandaling umangat ako nang tingin, nagtama ang mata namin pero agad kong binawi. Nasa sariling silid ako at hindi ko alam kung bakit nakapasok si Lord Ariwindo sa aking silid. Ang panginoong ito talaga ay taga-kontra sa lahat ng kasiyahan ko. Daig pa nito ang magulang ko.

A Sinless Demon (Book 1 of The Demon Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon