Kapitulo Uno
Feeling Alone
* * *
Dark Sky Parker
I ADORE the endless love of my father but sometimes I thought that it wasn't enough. There's something I want to feel. There's a missing piece in my heart that my father can't fill... and it's the love of my mother.
Yes, you're right! I don't have a mother anymore. She died when I was born. I haven't seen her face in person. I want to see her and I want to hug her tightly but I can't.
You're lucky if you have a mother. So, love your mother dearly because you can't buy her in the market. Also, thank her for everything. Thank your family for everything. Most importantly, thank God for everything.
Alam niyo ba? Lahat ng tao ay ayaw sa akin. I don't have friends here. I don't know, why? Natatakot sila sa akin, ang akala nila sa akin ay isang demonyo. Wala naman akong may nagawang masama sa kanila. I don't have a clue why they hate me... us to be exact.
Hay! I'm so dramatic again.
Humiga ako sa damuhan malapit sa aming bahay. Maganda ang panahon ngayon dahil mukhang masaya ang gising ni Haring araw. Asul na asul ang kalangitan at ang mga puting ulap ay sumasabay sa hangin. Hindi naman masyadong masakit ang sinag ng araw dahil maaga pa. Malamig pa nga ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko.
Ang ganda talaga ng kalangitan ngayon, hindi nakakasawang tingnan. I keep staring at the beautiful sky. Napatitig rin ako sa mga ibon na lumilipad kasabay ng hangin sa taas, halatang nasisiyahan sila sa panahon ngayon tulad ko.
Sana may ability ako na makakalipad tulad ng ibon para maabot ko ang langit. Siguro kung may kaibigan lang ako, naghahabulan na kami tulad ng mga ibon na nakikita ko sa kalangitan ngayon.
Hay! Bakit kaya hindi ako binigyan ng Panginoon ng kaibigan? Kahit isa lang lang sana pero wala. Hindi talaga ako binigyan. Nakakalungkot.
Gusto kong makipagkaibigan sa mga bata rito pero hindi nila ako pinapansin. Ito ang rason kung bakit hindi ko tinapos ang aking pag-aaral sa paaralan. Hanggang ikaapat na baitang sa Elementarya lang ang natapos ko. Hindi na ako nagpatuloy dahil bi-nu-bully ako ng aking mga kaklase sa paaralan at tanging pag-iyak lang ang aking nagawa. Tinatawag nga nila akong 'malas' dahil laging may masamang nangyayari kung nasa paaralan ako. Nagsumbong ako sa guro tungkol sa mga bully pero may favoritism ito. Pinapanigan niya ang mga bully, ako naman ay pinapagalitan niya.
Hay! Life is so unfair.
Simula no'n tumigil na ako sa pag-aaral. Marami naman akong kaalaman dahil ang aking ama ang nagsisilbing guro ko at ang bahay namin ay paaralan ko.
Minsan talaga hindi ko lang maiwasan na maghanap ng kaibigan. Pero, wala ni isa. Lumayo sila kung lumapit ako at 'yon ay masaklap na nangyari sa buhay ko. Kaya naglalaro na lang akong mag-isa at nagbabasa ng aklat mag-isa.
Minsan ko na lang rin makakasama ang aking Ama nitong nakaraang buwan dahil nagkulong lang ito sa k'warto at palaging busy. Pero kahit gano'n, ramdam ko ang kanyang pagmamahal niya sa akin. He taught me to be a good person too.
Unti-unti ko na ring natanggap ang lahat na nangyari sa buhay ko. Wala naman akong magagawa kung ito ang gusto ng Panginoon para sa akin. Nagpasalamat na lang ako dahil nasisilayan ko ang magandang mundo.
Napatigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng ingay galing sa bahay. Parang may nagsisigawan.
"Lumabas kayo sa bahay niyo. Mga demonyo!"
"Noong dumating kayo dito biglang umiba ang panahon. Lahat ng mga delubyo ay naganap habang kayo ay okay lang parang wala lang sa inyo ang nangyari. Hindi kayo naapektuhan habang kami ay sobra kaming apektado. Mga malas kayo sa mundong ito!"
BINABASA MO ANG
A Sinless Demon (Book 1 of The Demon Trilogy)
FantasíaOnce you heard the word demon, your perspective already speculated that a demon is evil, right? Well, Dark Sky Parker is a demon, but she's not bad, people around her made her like that literally because she was being erroneously impeached and sever...