Prologo
* * *
NOONG siya ay ipinanganak ng Reyna, biglang dumilim ang kalangitan, lumakas ang ihip ng hangin, umulan, kumidlat at kumulog ng napakalakas na para bang galit na galit ang kalangitan, at higit sa lahat napalibutan ang buong palasyo ng mga itim na nilalang, mga masasamang elemento na sakop ng kadiliman. Naamoy nito ang dugo ng bagong silang na bata.
Nakakatakot...
Nakakakilabot...
Queen Hannah Parker delivered the baby successfully but in the end, she was weak. She died.
Madilim pa rin ang kalangitan pero tumila na ang ulan. All monsters outside are already dead. Someone killed them all.
Sa labas ng kwarto naman, hindi mapakali ang Hari na si Calix Parker. Sobra siyang kinakabahan sa mangyayari sa Reyna at sa anak niya. Napahinto ang Hari sa kakalakad nang biglang bumukas ang pinto kung saan nanganak ang Reyna, iniluwa ang matandang lalaki na si Lord Felix, kilala ito sa kaharian bilang malakas na immortal na magaling gumunita ng kapalaran. Bitbit nito ang bagong silang na bata. It's a girl. Maganda at malusog na babae. Indeed a goddess.
Binigay agad ni Lord Felix sa Hari ang bata. Agad namang tinanggap ng Hari na may luha sa kanyang mga mata. Masaya siyang masisilayan at makarga niya ang kanyang anak. Labis na tuwa ang nadama niya nang nasa bisig niya na ito.
"My...daughter, welcome to our world," naluluhang sambit ng Hari at hinalikan ang anak sa noo.
"Maligayang pagdating, mahal na prinsesa. Kami'y malugod na pagsilbihan kayo hanggang kamatayan." Nagsiyukuan ang mga katulong at iba pang tao na nasa loob ng palasyo bilang paggalang sa bagong silang na prinsesa. Natutuwa rin ang mga ito sa pagsilang ng Prinsesa nila.
Pagkatapos ng eksena sa labas ng k'warto, nag-usap si Lord Felix at ang Hari. Ibabalita niya na ang totoong nangyari sa loob ng silid kung saan nanganak ang Reyna.
"Your Majesty, the Queen is died after giving birth. I'm sorry, we can't save her," malungkot na balita ni Lord Felix.
"N-No!"
Sobrang nasaktan ang Hari sa binalita ng Ginoo. Halos sasakalin niya na sa higpit ng yakap ang kanyang bagong silang na anak. Halos hindi alam ng Hari ang kanyang gagawin. Nasasaktan siya sa pagkawala ng Reyna. Natutuwa siyang masilayan ang kanyang anak pero labis na pighati rin ang kapalit dahil sa nangyari sa Reyna niya.
Ang pagkamatay ng Reyna ay labis na lungkot at pighati ang naramdaman ng Hari at maging sa mga mamamayan ng buong kaharian. Laganap rin sa ibang kaharian ang nangyari sa Reyna at lubos silang nalungkot sa nangyari.
Hindi ipinagsabi na dulot sa panganganak ang nangyaring pagkamatay ng Reyna, sinabi nilang malubha ang sakit ng Reyna kaya biglaan ang pagkamatay nito. Ibinalita na rin nila na pati ang bata na binuntis ng Reyna ay namatay rin. Itinago nila ang bata dahil iyon utos ni Lord Felix na taga-gunita ng kapalaran ng kaharian.
Tanging nasa loob lang ng palasyo ang nakakaalam ng katotohanan, dahil kung sino man ang kumalat na namatay sa panganganak ang Reyna at buhay ang anak ng Hari ay kikitilin ang buhay nito. Kaya walang may nagtangkang magsalita sa mga nangyari.
Tinulungan ni Lord Felix ang Hari sa pagpalaki ng anak nito. Ginagabayan niya ng mabuti ang Hari at ang ikabubuti para sa anak ng Hari. Habang lumalaki ang anak ng Hari, maraming nangyari sa loob ng nasasakupan ng kaharian... masamang pangyayari. Namatay ang mga hayop, namatay paunti-unti ang mga pananim, at unti-unti ring na namatay ang mga tao sa hindi malubhang sakit. It was just like a curse.
Naghanap ng paraan si Lord Felix kung paano maresolba ang dumating na delubyo. Ginawa niya ang lahat para gunitain ang kapalaran ng kaharian at kapalaran ng Prinsesa pero hindi niya makita ang kapalaran ng bata. Wala siyang makita kundi puro kadiliman. Sobra siyang kinabahan dahil sa nangyayari kaya kumuha siya ng magaling na Augēre sa buong kaharian para makita o gunitain ang sunod na mangyayari.
BINABASA MO ANG
A Sinless Demon (Book 1 of The Demon Trilogy)
FantasyOnce you heard the word demon, your perspective already speculated that a demon is evil, right? Well, Dark Sky Parker is a demon, but she's not bad, people around her made her like that literally because she was being erroneously impeached and sever...