Kapitulo Kuwatro

68 6 0
                                    

Kapitulo Kuwatro

Welcome to Immortalia: Pagkikita

* * *

Dark Sky Parker

TINAHAK ko ang daan na nasa gitna. Hindi ko alam kung bakit iyon ang pinili kong daanan, para kasing may nagtulak sa aking mga paa na sa gitna ako dumaan. Hindi ko ininda ang mga kaunting sugat sa mga matatalim na dahon ng talahib sa aking braso. Nakasuot ako ng pantalon kaya braso ko lang ang nasugatan.

Gusto ko nang makarating sa Immortalia na sinasabi sa librong binasa ko. Sobra akong natuwa at na-excite dahil sa aking nakita at nabasa.

Talaga bang mundo iyon ng kakaiba? Naalala ko na. Nak'wento iyon ng aking ama dati. Totoo pala iyon. Pero sa mundo ako ng mga tao nanggaling tatanggapin kaya ako? Tanggapin kaya ang tulad ko? Baka tulad rin sa mundong ito ang mundo ng Immortalia. Baka wala ring kumaibigan sa akin. Nakakalungkot.

Matagal-tagal ko ring narating ang dulo ng daan pero wala na itong karugtong pa na daanan. Wala nang ibang karugtong. Dead end na. Napakamot ako sa aking ulo. Ang daya naman ng daang ito. Dami na nga akong natamong sugat tapos hanggang dito lang pala? Kunsabagay lahat ay may hangganan.

Babalik ba ako o hindi?

Ayaw ko na 'no. Dobleng sugat na ang matamo ko kung babalik pa ako. Pero ano naman ang gagawin ko rito? Tumunganga? Puro naman talahib ang nakapalibot. Pinahid ko ang pawis at mumunting dugo sa aking braso gamit ang aking kamay. Nanlaki ang mata ko dahil wala akong sugat. Kaya pala wala akong may naramdamang hapdi sa na galing sa aking sugat. Paano nangyari iyon?

Inusisa ko ang balat kong sugatan, wala talaga akong may nakita na kahit na anong sugat. Did I have power? No way. Hindi ko dapat paniwalaan ang nakikita ko gaya ng habilin sa akin ng matanda.

Akmang babalik na ako sa talahiban na dinaanan ko pero agad akong napatigil dahil may nahagip ang aking paningin. Mataas at malalaking bato na sobrang ayos ang pagkakalagay na nasa gitna ng talahiban. Patong-patong ang pagkakayos, parang Stonehench nakita ko sa kalendaryo sa bahay.

Sinong gumawa nito sa gitna ng talahiban? Impossible namang trip-trip lang?

Hindi ito kalayuan kaya napagdesisyunan kong tahakin iyon upang mapuntahan ang aking nakita. Gumawa ako ng sariling daan patungo roon. Pinutol ko ang mga matatalim at matataas na talahib gamit ang espadang regalo ni kuya Vin sa akin.

Nagamit ko na rin sa wakas. Matalim pala ang espadang ito. Maganda gamitin.

Napangiti ako nang pumasok sa alaala ko ang mukha ni kuya Vin. Kahit papaano ay biglang nawala ang pagod ko sa paglakad nang maalala ko ang handa niya noong kaarawan ko.

Walang katao-tao ang lugar na sinasabing Belphagor dahil para itong reserved mountain. Sa napuntahan ko ay malapad na kapatagan. Makapal ang ligaw na damo at talahib na nagsisilbing balat sa lupa. Malayo pa ang makapal na kakahuyan kaya hindi ako natakot sa pinuntahan ko dahil maaliwalas ang paligid.

Lumapit ako ng husto sa mga bato pero agad akong napaatras. Nagimbal ako sa aking nakita.

Malaki. Maitim. Mahaba.

"Ahhhhh!"

Napatili ako nang may sumulpot na itim na malaking ahas sa aking harapan. Malaki, maitim at mahaba ang ahas, kasing laki ng braso ko. Ito ang kinakatakutan kong hayop kaya takot ang namalagi sa buo kong sistema. Noong sampung taong gulang ako, natuklaw na ako ng ahas at grabe ang sinapit ko. Mabuti na lang naagapan ng aking ama, may gamot siyang nilagay sa kinagat ng ahas at may pinainom din siya sa akin. Hindi ko alam kung ano. Kung hindi iyon naagapan, siguro patay na ako. Kaya sobra akong takot na takot sa ahas.

A Sinless Demon (Book 1 of The Demon Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon