Kapitulo Tres
Belphagor
* * *
Dark Sky Parker
"MA-MANONG, sa Belphagor na lugar lang po ako bababa, ha?" magalang kong wika na may ngiti sa labi.
Kumunot ang noo ko nang makita ko ang mga mata ng mga pasahero ay nakatuon sa akin. Ang mga mata nila ay parang nagulat at may takot habang nakatingin sa akin. Did I say something wrong?
"Oo, hija... malapit ka na sa babaan mo," seryosong tugon ng driver sa akin. Doon na nila iniwas ang kanilang mga tingin.
Tipid akong ngumiti sa tugon ng driver sa akin. Ano kaya problema nila? Hayaan na nga. Sabagay, baguhan lang ako. Bago lang ako nakapunta sa malayong lugar. Baka sila nagulat dahil ang bata ko pa sa paningin nila.
"Hija, tama ba ang sinabi mo na sa Belphagor ka bababa?"
Napahawak ako sa aking dibdib. Halos napatayo ako sa gulat dahil biglaang nagsalita ang tao na nasa tabi ko. Kanina pa kasi ito nakayuko at halatang mahimbing ang pagkatulog.
May katandaan na ito, kitang-kita naman ang kulubot sa kanyang mukha. Maging ang kanyang balbas–maputi at mahaba. Ang mga mata nito ay hindi pa rin maalis sa akin.
"L-Lolo naman, nakakagulat po kayo..." napahawak pa rin ako sa aking dibdib. "O-opo, bakit po pala?"
"Mag-ingat ka...mahal na–"
Hindi natapos ang salita ng matanda dahil biglaang tumigil ang sasakyan. Tumayo na ang matanda at bumaba na.
"Nasa Belphagor na tayo, hija."
"W-weeh? Talaga ba, Manong Driver? Belphagor na ito?" sabay turo ko sa daang masukal na makikita sa bintana ko. Napangiwi pa rin ako habang nakatingin sa kanya. Sa mapa wala namang makitang kakahuyan na guhit pero bakit ngayon masukal na kakahuyan ang nakikita ko?
"T-talaga, Belphagor na ito? Hindi ba kayo nagkakamali, Manong Driver?" tanong ko ulit na nakangiwi.
"Hija, kung ayaw mong bumaba, sabihin mo lang dahil nagmamadali ako at marami pa akong pasahero na ihatid." Matalim ang titig ng driver nang lumingon siya sa akin.
Ito naman si Kuya. High blood masyado. Nagtatanong lang, eh.
Napalunok akong tumayo at dahan-dahang sinukbit ang bag na dala ko. Nahihiya akong humakbang palabas ng bus. Pagkababa ko ay inis ang ipinukol sa akin ng driver nang tumingin ako sa kanya. Pinadilatan ko naman siya ng mata dahil hindi pa rin ito umalis. Akala ko ba nagmamadali ito? Bakit hindi ito umalis nang makababa ako?
"Bakit ho hindi pa kayo umalis? Akala ko ba nagmamadali kayo?" inosente kong tanong.
"Hindi ka pa nakapagbayad, hija."
Ay, oo nga pala. Doble ang hiya ko dahil sa sinabi ng driver. Taranta kong kinapa ang bulsa ng aking suot na pantalon. Napalunok ako dahil wala na ang pera sa aking bulsa. Nandito ko lang iyon nilagay.
Nasaan na 'yon? Kinuha kaya ng matanda kanina? No! Masamang mangbintang. Halah! Paano na ako makapagbayad nito?
Nahihiya akong tumingin sa driver. Napagtinginan na rin ako ng mga pasahero. What should I do? Napalingon ako sa masukal na daan na tinatawag na Belphagor. Tatakbo ba ako sa masukal na daan? Hindi naman siguro ako hahabulin ng driver 'di ba?
Binalik ko ang tingin sa driver. Napakamot ako sa aking ulo sabay ngiti ng malapad sa kanya.
"Hm... m-manong... a-ano k-kasi... w-wala pala akong p-pera. P-patawad po. Utang lang po muna, babayaran ko pag nagkita tayo ulit. Promise," itinaas ko ang aking kamay na nanumpa sa harap niya.
BINABASA MO ANG
A Sinless Demon (Book 1 of The Demon Trilogy)
FantasyOnce you heard the word demon, your perspective already speculated that a demon is evil, right? Well, Dark Sky Parker is a demon, but she's not bad, people around her made her like that literally because she was being erroneously impeached and sever...