Kapitulo Siyete

31 2 0
                                    

Kapitulo Siyete

Xaphoenix Kingdom: Pangunahing Hardin

* * *

Dark Sky Parker

ANG Xaphoenix Kingdom ay nasa tuktok ng mabatong bundok na kung saan ito ay malapit sa aktibong bulkan. Napalibutan naman ng lava kabuuang bundok kung saan ang palasyo. Parang nagsisilbing tubig ito sa buong palasyo. Sa ilalim ng mataas at matibay na tulay patungong entrada ng palasyo makikita kung paano dumadaloy ang nagbabagang lava. Parang may mahika ang lava dahil hindi naapektuhan ang palasyo. Gano’n din ang mamayan sa paanan ng palasyo. Tila hindi sila naapektuhan sa nagbabagang lava.

Ang ipinagtataka ko dahil hindi mainit ang hangin kahit malapit ang palasyo sa nagbabagang lava at aktibong bulkan. Hindi naapektuhan ang temperatura ng palasyo. Ang astig lang na may ganito sa mundong ito.

Napatingin ako sa kalangitan. Maganda ang panahon, nagsisiliparan sa itaas ang mga ibong nagbabaga ang mga balahibo. Kay ganda nilang tingnan tuwing sumasabay sila sa ulap na tinatangay ng hangin. Bawat pagaspas ng kanilang mga pakpak ay may nalaglag na maliliit na apoy na parang alikabok na nag-aapoy sa hangin.

“Wow. Beautiful phoenixes...” namamanghang sambit ko nang makita ko ang mga piniks na nagpapakitang gilas sa kalawakan. Parang alam na alam nila na pinapanood ko sila. Napangiti na lang ako dahil parang nakilala rin nila ako.

Napatuloy na lang ako sa paglalakad at itinuon na lang ang mga mata sa inaapakan. Naglibot-libot kasi ako sa ibang parte ng palasyo kasama ang mga taga-sunod na naninilbihan sa palasyo. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakasuot na ako ng elegante at mabigat na gown. Maging ang mga mabigat at mamahaling hiyas sa katawan ay suot ko na. Sandalyas na mamahalin at sobrang ganda. Ang mga suot ng isang dugong bughaw ay nasuot ko na. Isa na akong ganap na prinsesa. Hindi pa rin ako makapaniwala para sa akin ay panaginip lang ang lahat.

Napatunayan ko na ako’y isang prinsesa dahil nakita ko ang malaking litrato ng aking ama’t ina na magkasama sa isang kahon. Nakasabit ito sa kalagitnaan ng nahahating hagdan at sa ibang sulok ng palasyo. Makita ko sa litrato na kamukhang-kamukha ko nga ang aking Ina. Sa aking Ina ko pala namana ang aking puting buhok.

Napadpad ang mga paa ko sa hardin ng palasyo. Ito ang hindi ko napuntahan dahil pinigilan ako palagi ni Lord Felix kung magtangka akong pumunta sa pangunahing hardin ng palasyo. Hindi ko alam kung bakit ako pinipigilan ni Lord Felix na pumunta ng hardin. Gusto ko lang naman tumingin sa mga bulaklak, bubuyog, at mga paru-paro.

Malapad ang ngiti ko nang wala na ang aking taga-sunod sa aking likuran dahil inutusan ko ang mga ito na hanapin sa buong sulok ng palasyo ang aking singsing na suot. Ang singsing na binigay ng aking ama noong kaarawan ko ay heirloom pala iyon ng kanilang lahi at kaharian na dapat ingatan. Ito rin pala ang tanda bilang pinuno ng kaharian ng Xaphoenix.

Hindi naman nawawala ang aking suot na singsing. Palabas ko lang iyon para tantanan ako ng mga taga-sunod. Hindi ako sanay na may ibang tao sa paligid ko. Nakangiti kong binalik ang singsing sa aking gitnang daliri sa bandang kanang kamay. Ngayon ay ngiting tagumpay ako dahil malaya na akong makagalaw dahil walang taga-sunod na mag-ulat kay Lord Felix sa aking bawat galaw. Mahigpit na ipinagbilin kasi ni Lord Felix na bantayan ako ng mga guwardiya at taga-silbi ng palasyo. Hindi ko alam kung bakit grabe ang pagprotekta sa akin ni Lord Felix.

Si Lord Felix ay wala sa kaharian ng Xaphoenix ngayon dahil pumunta ito sa Kastilyo ng Immortalia. Hindi pa nakabalik hanggang ngayon. May importante raw itong iulat sa pinuno ng Immortalia.

Sa isang linggong pamamalagi ko sa Palasyo. Walang akong may maipintas kay Lord Felix dahil maalaga ito at palagi akong ginagabayan.

Ang aking ginagawa sa loob ng isang linggo ay pag-aaral kung paano mamuno sa kaharian. Tinutuklas ang lahat sa aking bagong mundo. Minsan ito lang ang aking ginagawa—tinatanaw ang buong kaharian ng Xaphoenix sa tore, nilibot ang ibang sulok ng palasyo pero hindi pa lahat ay napuntahan ko.

A Sinless Demon (Book 1 of The Demon Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon