Kapitulo Dos
Kaarawan, Sulat at Regalo
* * *
Dark Sky Parker
ILANG araw na ang nakalipas nang mawala ang aking ama pero ang pighati sa puso ko ay hindi pa rin nawawala. Hinihiwa pa rin ang puso ko ng milyong-milyong kutsilyo. Masakit at mahapdi pa rin tuwing naalala ko ang pagkawala ng aking ama.
Sa tulong ni Kuya Vin, nilibing ko ang aking ama malapit lang sa bahay namin. Hindi na rin ako ginulo ng mga taong sumunog ng bahay namin. Hindi ako galit sa kanila, nalulungkot lang ako para sa kanila dahil daig pa nila ang demonyo. Kami ang napagbintangan na demonyo pero mas masahol pa pala sila sa demonyo.
Hindi ko talaga alam kung bakit unti-unting namatay ang kanilang mga alagang hayop at pananim. Hindi namin kasalanan iyon. Nanirahan lang kami ng tahimik pero napagbintangan kami. My father didn't say anything about their rants to us. At ito na 'ata ang pinaka-worst na ginawa nila sa amin. Dati hanggang pagbabato lang sila ng mga kahoy sa bubong namin o pagsisigaw ng masasakit na salita.
I didn't expect that they would make things worst, killing us through burning without mercy. They are too much but I do respect them. It's their judgment. I can't stop them.
Inayos na rin ni Kuya Vin ang bahay namin. Maliit na lang ito kumpara sa dating bahay namin dahil ako na lang mag-isa ang titira sa bahay. Sa tulong ni Kuya Vin, nagawa kong bumangon at magpakatatag. He's indeed my savior. I am grateful that I met him. He's kind yet cold.
Tapos na akong magluto ng aming kakainin ngayong araw. Inilapag ko agad ang mga niluto ko sa maliit na mesa sa labas na nasa ilalim ng puno ng mangga. Napag-isipan kong tawagin na si Kuya Vin. Nasa bakuran ito at busy sa pagbiyak ng kahoy na panggatong.
Sino ba ito? Bakit parang hindi ito nakaramdam ng gutom, pagod at uhaw? I noticed that... hindi siya agad napapagod. Isn't amazing?
Tinupad na ang sinabi niyang hindi niya ako iiwan. Nasabi niya ring nasa ibang bansa raw ang kanyang pamilya at baguhan lang siya sa lugar na ito, wala rin siyang mapuntahan kaya sinamahan niya na lang ako. Napakabait niyang tao.
"Kuya Vin, kain na tayo. Tapos na akong magluto. Nakahanda na 'yong pagkain sa lamesa," nakangiting kumaway ako sa kanya.
Napatigil naman ito sa pagbiyak at pinunasan ang pawis sa kanyang mukha gamit ang kanyang kamay. Kumuha naman agad ako ng panyo sa sampayan, lumapit ako sa kanya at binigay ang panyo. Kinuha niya naman ito. Tapos niyang punasan ang pawis niya ay nauna na itong naglakad patungo sa hapagkainan.
Hindi man lang nagpasalamat sa akin? Wala man lang sinabi kahit 'hoy, salamat' man lang. Bakit ang lamig ng lalaking 'to? Hindi naman siya gano'n noong niligtas niya ako. Hindi ko na lang ito pinansin. Nakasimangot akong sumunod sa kanya.
Sa matagal na araw naming pagsasama, nakilala ko siya. He's cold and very serious. Ang ngiti niyang nakita ko noong tinulungan niya ako ay hindi ko na nakita ngayon. He's very weird too. Kasi tuwing umaga nakita ko itong nag-pa-praktis gamit ang espada na dala niya. Weird.
Habang nasa harap kami ng lamesa. Walang may magsalita sa amin. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi na ito bago sa akin. Tahimik talaga kami na para bang walang bunganga.
Unang subo pa lang niya ay napatigil agad siya. Napalunok naman ako sa kanyang reaksyon.
'Hindi ba masarap ang luto ko? Mukhang 'di niya gusto.'
First time ko kasing magluto dahil hindi naman ako nagluluto noong buhay pa ang ama ko. Si Kuya Vin rin kasi ang nagluluto ng pagkain namin. Tanging paghugas plato lang ang ginagawa ko. Sa paglalaba rin ay kanya-kanya kami. Ngayon lang talaga ako nagluto dahil sobra na akong nahihiya sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Sinless Demon (Book 1 of The Demon Trilogy)
FantasyOnce you heard the word demon, your perspective already speculated that a demon is evil, right? Well, Dark Sky Parker is a demon, but she's not bad, people around her made her like that literally because she was being erroneously impeached and sever...