Naglakad pauwi si Mara mula sa pinagtatrabahuan niyang tindahan nang bigla siyang inatake ng malaking uwak. Hindi niya agad nadepensahan ang sarili kaya't bumangga ang uwak sa noo niya pero kaagad rin iyong lumipad papalayo.
Panandalian siyang tumayo at pinagmasdang kumulimlim ang langit habang unti-unting binalot ng dilim ang paligid. Tila sunod-sunod ang pag-ulan sa lugar nila dahil sa masamang panahon, pero hindi niya iyon masyadong pinansin at nagpatuloy sa paglakad.
Ngunit sa kalagitnaan ng paglalakad niya ay laking gulat niya nang hinaplos ng malamig na hangin ang buong katawan niya na para bang tumagos hanggang sa kalamnan.
Hindi siya ma-superstitious na tao pero bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. Nakaramdam siya ng pagkabahala sa hindi maipaliwanag na dahilan na para bang may masamang mangyayari.
Tinignan niya ang relo sa kanyang pulsohan at alas kwatro na pala iyon.
Naglakad siya ng mabilis ngunit malakas na dumagundong ang kulog at kidlat sa kalangitan kaya't minabuti niyang tumakbo para hindi maabutan ng ulan.
Nang makarating siya sa tarangkahan ng kanilang bahay ay agad bumuhos ang malakas na ulan. Tyempong bubuksan na sana niya ang gate nang may marinig na malakas na sigaw ng babae.
Kilala niya ang boses na iyon. Sofia!
Biglang nilamutak ang kanyang puso at dali-daling itinulak ang gate saka tumakbo papasok ng kanilang bahay. Kagimbal-gimbal ang mga nasaksihan niyang eksena. Walang buhay at puno ng saksak sa leeg ang kanilang alagang aso na halos maghiwalay ang ulo sa katawan habang nakahandusay sa sahig.
Bumaha ng dugo ang sahig at nagkarambola ang kanilang mga gamit na mistulang dinaanan ng bagyo.
Sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Para siyang naparalisa habang nakatayo sa loob ng kanilang bahay. Nanlamig ang buo niyang katawan na parang binuhusan ng nagyeyelong tubig. Gusto niyang sumigaw at humingi ng tulong subalit walang boses na lumalabas sa kanyang bibig.
Agad siyang napakurap nang makarining ng mataas na tuno ng sigaw saka ibinaling ang tingin kung saan iyon nanggaling.
"Help me! Maraaa!" matalim na sigaw ng stepsister niyang si Sofia habang pilit iniaabot ang kamay nito sa kanyang direksyon.
"Aaaarrgg! Parang awa mo na. Bitiwan mo 'ko!" umiiyak nitong pagmamakaawa sa isang lalaki habang duguan at nagpupumiglas.
Gapos-gapos ng armadong lalaki si Sofia habang sinasabunutan sa kusinang bahagi ng kanilang bahay. Lalapit na sana si Mara para tulongan ang kapatid nang bigla siyang makaramdam ng malakas at matigas na bagay na tumama sa kanyang ulo.
Hinampas siya ng dospordos ng isang armadong lalaki sa likod ng ulo. Unti-unting nanlabo ang paningin niya at bumagsak ang katawan sa sahig na puno ng dugo bago tuluyang nawalan ng malay.
"Agghhhhhhh," napa singhap si Mara sa sakit habang nakapikit ang mga mata.
Matinding kirot at hapdi ang nararamdaman niya sa likorang bahagi ng ulo. She felt like her blood were draining from it.
Pilit niyang iminulat ang mga mata saka nag flashback sa kanyang utak ang mga nangyari. Sisigaw na sana siya ng tulong nang mapansing may nakatakip na duck-tape sa kanyang bibig habang nakagapos ang mga kamay sa likod.
Nakahiga siya sa madumi at masangsang na sahig. Medyo may kadiliman din ang paligid, ngunit kahit ganoon ay kitang-kita niya ang isang lalaki na nakaluhod hindi kalayuan sa kanyang harapan. Umiiyak ito at nakikiusap sa isa pang lalaki na doon din nakaupo. Namamaga ang mukha ng lalaki at paulit-ulit na nagmamakaawa sa matandang kausap na huwag sasaktan ang mga anak nito.

BINABASA MO ANG
DAMNED (Dark Romance)
Fantasy"Feel free to begin now. If you need my help, you might want to earn it," he said. His arms caged me on top of the bed as he leaned closer. His deep voice played in my ears making me shiver. "A-anong ibig mong sabihin?" "Beg for it," he demanded. I...