Chapter five

23 3 0
                                    

MARA

Ilang oras na yata akong nakatulala at nakatitig sa kisame habang nakahiga sa kama. Hindi na ako nakatulog ulit dahil sa tuwing ako'y nakapikit ay naaalala ko ang kanyang mukha at pribadong bahagi. Mabuti na lang ay walang nangyari at hinayaan niya akong umalis sa kabila ng aking nagawa.

"Ho?" I almost choked.

"Exactly what you heard. Are you going to replace her?"

I looked at him and gave him a bewildered expression, but he didn't move an inch and remained passive waiting for my answer. Yumuko ako at umiwas ng tingin, hindi ko kayang makipagtitigan ng matagal dahil para akong nalulunod sa kanyang mapang-akit na kagandahan. Kinagat ko ang aking babang labi at sinubukan mag-isip ng magandang isasagot para hindi niya ako maisipang patayin pero hindi gumagana ang aking utak at hindi ko alam kung anong sasabihin.

"Leave before I change my mind" mariin niyang wika.

I immediately lift my head and look at him but to my surprise, he is not facing me. Magkahalong pagdududa, saya, at takot ang aking nararamdaman. Is he releasing me? For real?

~

"Agh-hmm". A woman's coughing voice interrupted my daydream.

"Magandang umaga, Hija" bati ng isang matandang babae na pumasok sa kwarto.

Agad akong napaigtad at tiningnan siya habang binubuksan ang malaking kurtina sa bintana. Halos puti na lahat nang kanyang buhok at kunot na ang kanyang balat. Nakasuot siya ng salamin at mahabang bistida.

"Sino ka?" agad ko siyang tinanong. I'm sorry but I can't let my guard down again.

"Tawagin mo na lang akong nanay Bebeng, Mara. Isa ako sa mga katulong ng mansyong ito" malumay niyang sagot.

"Paano at san mo nalaman ang pangalan ko?" deskumpiyado kong tanong sa kanya. Hindi ako basta-basta magtitiwala kahit kanino.

"Wag kang mag-alala, Hija. Noong unang dating ko rin dito ay ganyan na ganyan ang reaksyon ko. Tao ako at hindi halimaw kung yan ang ikinakatakot mo" pagpapakalma niya sa akin.

How would I know it?

Para akong nabuhayan ng loob sa kanyang sinabi, pero parti ng aking utak ay nag-aalangan kung paniniwalaan ko siya o hindi.

"Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko. Paano at saan mo nalaman ang pangalan ko?" ulit kong tanong sa kanya.

Agad siyang natigilan sa ginagawa at lumapit sa akin pero bago pa man siya makarating ay umatras ako ng bahagya at sinenyasan siyang huwag lalapit.

Hindi rin siya nagpumilit. "Alam ko ang pinagdadaanan mo, Hija" malumanay niyang wika na para bang siya'y naiyak.

"Talaga bang tao ka?" mainam kong tanong sa kanya, kailangan kong makompirma na tao siya at hindi halimaw.

"Hindi kita pipilitin kung ayaw mong maniwala. Naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo...Pero ito lang ang masasabi ko sa'yo Mara, magpakalakas ka at huwag kang gagawa ng ikakapahamak mo dito" malumanay niyang wika na nagpakalma ng aking nerbyos.

Bigla akong napaisip sa kanyang mga sinabi. Sa aking kaloob-looban ay kailangan ko siyang pagkatiwalaan. Hindi ko alam kung nasaan ako at mukhang siya lang ang makakasagot sa aking mga katanungan.

"Oh, sya sya, mamaya na tayo mag-usap at maligo ka muna. Pagkatapos mong mag-agahan ay marami akong ikukwento sayo" nakangiti niyang saad na agad ko ring sinunod.

Pagkatapos kong maligo ay nakita ko ang isang puting dress na nakahanda sa kama at agad kong tinanong si Nanay Bebeng na naglilinis sa kwarto kung kanino ang bistidang iyon at nakangiti niya akong sinagot ng akin.

DAMNED (Dark Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon