Mara woke up with a severe headache. Kumakalam ang kanyang sikmura at masakit ang buo niyang katawan na parang pinagtulongang bugbugin. Tuyong-tuyo ang kanyang lalamunan, she was thirsty, starving and weak.
She felt a painful sting on her head and touched it, ngunit kaagad siyang napapikit sa sakit nang dumampi ang daliri niya sa malaking hiwa ng sugat sa likod niyang ulo. Mukhang sariwa at basa pa ang iyon.
All her senses woke up and she became alert. She was lying on the warm floor na kahit pa nahihilo ay napabalikwas siya ng bangon sa sobrang taranta. Agad niyang sinuri ang sarili at nakita ang namumulang marka ng laslas sa kanyang pulsohan dahil sa mahigpit na pagkakatali ng mga tauhan ni Julio.
She also noticed how filthy she looked. Her blouse was torn at the left shoulder and covered in red stains all the way to her hip while her hair was messy and stiff from dried blood.
Biglang nag panic ang kanyang utak. She was terrified and couldn't think straight when she remembered what happened. Pinagpapawisan ang mga palad niya at noo habang nanginginig sa takot ang kanyang mga hita. She's always like this whenever she's nervous.
Ilang segundo pa nang kumalma at mahimasmasan siya ay agad din siyang natulala at namangha nang mapansin ang ganda ng kanyang paligid.
She's in a clean, spacious living room with marble floors, featuring modern minimalist and vintage interior designs, and a pleasantly scented atmosphere.
Her mouth hung open as she continued to scan the place, wondering if her eyes were deceiving her.
"Heaven? Is this heaven?" she asked herself unable to distinguish reality from illusion.
Ngunit humugot siya ng malalim na hininga at umiling-iling para tuluyang gisingin ang sarili, napag-isipan niyang hindi iyon ang tamang oras para magpantasya. She didn't know where she was and all she remembered was a man saved her from Julio.
Napahilot siya sa sentido niya, saka dumako ang tingin sa paligid at napansin ang malalaking pinto sa bawat gilid. Kahit hindi tiyak ay kusang naglakad ang mga paa niya na parang may sariling buhay tungo sa malaking pintuan. Pinakiramdaman muna niya ang lugar ngunit mapayapa lang iyon at tahimik.
Pag lagpas ni Mara ng pintuan ay sumalubong ang marami pang hanay ng pintuan. Para siyang naghahanap ng lagusan sa isang malawak na maze na may matatayog na pader. Halos pare-pareho rin ang itsura ng mga silid na kanyang pinasukan kaya't hindi niya maiwasang malito.
Kahit nanghihina ay nagpatuloy siya sa paglakad tungo sa walang kasiguraduhang direksyon. Nakarinig siya ng mahinang boses ng mga nagtatawanang tao kaya't nabuhayan siya ng loob at sinundan ang tunog na iyon. Huminto siya sa harap ng isang malaking pintuan at marahang pinihit ang door knob pabukas. Nang makapasok siya sa loob ng kwarto ay bumungad sa kanya ang mapuputlang mukha ng mga nakatayong bankay. Nanlilisik ang mga pula nitong mata habang naglalaway ng itim na likido ang mga nakangisi nitong punit na mga bibig hanggang tenga. Mistulang nag-aabang ng masarap na pagkain ang mga nakakatakot nitong itsura habang nakatitig sa kanyang kinatatayuan.
Bigla siyang kinilabutan at napanganga sa mga nakita. Tumindig ang lahat ng kanyang balahibo at hindi sinasadyang maihi sa kanyang palda dahil sa labis na pagkasindak. Nanlabo ang kanyang paningin at parang may kung anong bagay na bumara sa kanyang lalamunan.
Hindi niya mawari ang mga nilalang sa harapan kaya't kinuskus niya ang dalawang mata sa pag asang magigising siya sa bangungot.
Ngunit laking gulat niya ng biglang nagkumbulsyon at nangisay ang mga ito sa kanyang harapan na parang sinapian ng masamang espiritu. Sabay sabay na napunit ang kanilang mga balat at nagsilabasan ang mga buto. Mabilis na pinagdikit-dikit ng mga ito ang sariling katawan na naagnas hanggang sa naging isang malaking ala-gagamba na halimaw ito na may limang pinagpatong-patong na ulo at tag sasampung kamay at paa.

BINABASA MO ANG
DAMNED (Dark Romance)
Viễn tưởng"Feel free to begin now. If you need my help, you might want to earn it," he said. His arms caged me on top of the bed as he leaned closer. His deep voice played in my ears making me shiver. "A-anong ibig mong sabihin?" "Beg for it," he demanded. I...