Chapter Two

173K 4.4K 322
                                    

CHAPTER TWO

"AND WHY are you late?" tanong ng pinsan ni Crystal Jane na si Sapphire. Nakataas ang kilay nito at nakahalukipkip habang nakatingin sa kanya.

She apologetically smiled. "Sorry, Saphi. Hinatid ko pa kasi iyong order ng mga clients ko." Lumapit siya rito at bumeso. "Na-traffic lang ako bandang Ortigas Avenue. But, I'm here now!" masayang bulalas niya para naman mabago na ang mood nito.

Sa table na pina-reserve nito para sa kanilang apat na magpipinsan, ito pa lang at siya ang nandoon. Lihim siyang napangiwi. Kaya pala nagtataray na ito. Siya ang unang dumating pero late na nga siya sa oras na usapan pagkatapos ay wala pa rin sina Lavender at Haley. Ayaw pa naman ni Sapphire nang naghihintay.

Bumaba na ang kilay nito ngunit hindi pa rin ngumingiti. "Hihintayin ko naman kung anong palusot ng dalawa pa nating pinsan," mataray na sabi nito.

"Totoo namang naghatid ako ng orders. Pero before lunch pa lang umalis na 'ko ng condo para on-time ako makarating dito," mahinahon na pagpapaliwag niya. "I just forgot that it's rush hour pala. I'm really sorry," mapagkumbabang sabi niya.

Tumingin sa kanya ang pinsan na mas matanda sa kanya ng apat na taon. Sa kanilang magbabaeng pinsan, ito ang pinakamatanda. Ngunit and pinakapanganay na pinsan talaga nila ay lalaki-which is Reeve Monteverde. Pero, hindi sila malapit sa lalaki masyado.

Inirapan siya ni Sapphire. Inis pa rin dahil naghintay ito nang matagal. "I'll believe you because you don't lie naman. Ikaw lang kasi ang walang sungay sa'ting magpipinsan."

She chuckled. "Sigurado namang may valid reason rin sina Haley and Lavender." She softly touched Sapphire's arm. "Don't be mad, alright? Dapat masaya lang tayo dahil ito ang pang-graduation party natin kay Haley." Katatapos lang kasi ng pinakabunso nilang pinsan na si Haley sa college.

Speaking of the newly grad, dumating na si Haley at nakangiting lumapit at bumati sa kanila. "Hi, cousins!"

Una itong bumeso sa kanya.

"Hello, Haley. Congratulations!" bati niya rito at saka niyakap niya ito.

"Thanks, Crystal Jane," malambing na sabi nito at saka ulit siya hinalikan sa pisngi. Kahit mas bata ito sa kanya ng dalawang taon ay hindi siya nito tinatawag na "ate" dahil hindi rin naman nila nakasanayan.

"Hi, Saphi!" bati naman nito kay Sapphire.

"Hi yourself," Sapphire answered. Bumalik ang taas ng kilay nito.

"Oh..." Lumabi si Haley. "Sorry for being late. I overslept kasi, eh. Inumaga na kasi ako ng uwi kanina from my batchmate's party. Kaya buong araw akong tulog. Buti nga, malapit lang ang condo ko rito. Hindi na 'ko na-traffic," malambing na wika nito kay Sapphire.

Since Haley was the youngest-only twenty-one years old, ito ang pinakamalambing sa lahat. Iniisip ni Crystal Jane baka tablan si Sapphire ng sweetness ni Haley.

But Sapphire rolled her eyes. "Is it my fault that you overslept knowing that we have dinner for tonight? Kasalanan ko bang inumaga ka sa party dahil nag-enjoy ka na naman kasama ng mga boys mo?" matalim na sabi nito.

Umupo si Haley sa right side ni Sapphire. Crystal Jane was sitting on the left.

"I'm really sorry. Huwag ka na magalit. Promise, hindi na mauulit."

"Hindi na talaga mauulit, because next time, I won't treat you to dinner anymore."

Haley chuckled. "You still look beautiful even when you're being snappy like that. Right, Crystal Jane?"

Selfless Rebound Girlfriend (TOG #2) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon