Chapter Thirteen

200K 5K 746
                                    

CHAPTER THIRTEEN

"MAY kailangan pa po ba kayo, Lola?" mabait na tanong ni Crystal Jane sa Lola Mercelina niya.

Nasa private hospital room siya ngayon ng Lola niyang isang taon nang naka-confine roon at lumalaban sa colon cancer. But last month, she already stopped the chemos. Hindi na kasi iyon umeepekto sa lola nila, mas nanghihina pa ito.

Ang maganda sa kondisyon ng Lola nila ay nakakapagsalita pa ito at nakikipag-usap pa. Karamihan kasi sa mga may colon cancer ay hindi na magawang makipag-communicate. But her Lola Mercelina can manage to still talk and smile.

"Nasaan si Sapphire?" marahang tanong nito.

Laking-lola si Sapphire kaya ito talaga ang pinamalapit sa Lola nila.

"Umuwi lang po sandali. Kukuha lang po ng gamit niya tapos babalik po mamaya."

"Come here, sweeatheart," tawag sa kanya nito at tinapik ang gilid ng higaan nito.

Agad siyang umupo roon at hinawakan ang payat na payat na kamay ng Lola niya.

"Yes po?"

"Sa lahat ng apo ko, kayo pa lang ni Reeve ang sigurado akong stable kapag iniwan ko," marahang sabi nito.

"Lola..."

"Si Reeve, nakikita ko kung paano siya nagbago nang magpakasal na siya. Ikaw naman...tiwala naman akong lagi kang nasa mabuti, Crystal Jane. Kaya kahit hindi ako makapagpaalam sa'yo at makapagbigay ng payo, ayos lang. Dahil sa lahat ng magpipinsan, ikaw ang may pinakatatag na puso at pananampalataya. I'm proud of your father and Jade," tukoy nito sa Mama niya na anak nito. "Napakalaki ka nilang may takot sa Diyos. Ikaw sa lahat ng Monteverde sa henerasyon niyo ang pinakamabait at may pinakabusilak ang puso. You're so selfless. Kaya nga sa mga kamay mo lang lumalabas ang tunay na tamis ng ice cream ng pamilya natin."

Napangiti siya at dinala ang kamay ng lola sa kanyang pisngi. "Huwag naman po kayong magsalita na parang iiwan niyo na po kami..." Napalunok si Crystal Jane at pinigilan ang mga luha sa pagtulo.

"But eventually, I'll be joining your grandfather." Bahagya itong napangiti at saka napapikit. "May nanliligaw na ba ulit sa'yo?"

Naalala niya si Terrence. "Opo. Pero sa ngayon po, magkaibigan muna kami at mas kinikilala pa namin ang isa't isa. Gusto po muna naming makapag-move on na talaga ako bago kami pumasok sa relasyon," pagkukuwento niya sa Lola niya. Hindi niya pa iyon nakukuwento sa mga pinsan niya. Lalo na kay Sapphire. Baka kasi lumabas na naman ang pagiging man-hater nito at ayaw niya nang magtalo sila ng pinsan.

Ang nasasabihan niya pa lang ng tungkol kay Terrence ay ang kanyang ina at ngayon ay sa Lola niya.

"Hmm...Bakit nga ba hindi mo makalimutan ang una mong nobyo? It's been more than a year now, Crystal Jane."

Napayuko siya at nawala ang ngiti sa mga labi. Hindi niya ba alam kung bakit. Siguro kasi sa tuwing handa na siyang mag-move on, biglang may sasabihin, may gagawin, o may malalaman siyang nag-papaasa sa kanya na baka sa bandang dulo, sila pa rin ni Ramses.

Pero mali namang umasa. Lalo na at nakita niyang masaya naman ito kay Nia. Ngunit bakit lagi itong galit kapag nakikita nitong kasama niya si Terrence?

Mas nagpagulo pa ay ang sinabi ni River sa kanya noong isang araw lang.

"May abogadong tatalon sa building kapag napunta ka sa iba."

Although she does not want to assume, hindi naman niya hindi puwedeng makuha ang ibig pakahulugan ng kapatid ni Ramses. Yes, it's only a metaphor that means Ramses was jelous of her and Terrence being together.

Selfless Rebound Girlfriend (TOG #2) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon