Chapter Ten (Part 1)

168K 4.4K 1.1K
                                    

CHAPTER TEN

"NIA."

"Ramses, I know you hate me for what have I done..."

Napakunot-noo si Ramses nang yumuko siya at nakitang umiiyak na ang dating kasintahan. "What happened?"

Hindi niya alam kung ano bang dapat maramdaman. Nagulat siya dahil sa biglang paglitaw nito. He thought he would never see her again after they broke up.

And now, Nia's infront of him and he felt...

Marahan siyang lumayo rito. "Bakit ka umiiyak?" nagtatakang tanong niya.

"Ramses, I badly need y-your help..." kawawang sabi nito. "Ikaw lang ang kilala kong abogado na m-makakatulong sa'kin...Please, tulungan mo 'ko, kami...Magbabayad ako nang malaki, mailabas lang sa kulungan si Grandpa."

"What?" gulat na wika niya. "What happened to your grandfather?" nag-aalala nang wika niya. Ilang taon niyang naging nobya si Nia at alam niyang sobrang lapit ito sa abuelo nito dahil ulila na sa mga magulang si Nia. Naging kasundo niya rin ang lolo nito na may-ari ng isang private school and academy within Metro Manila.

"H-hindi ko nga alam. I w-woke up this morning and the police are already dragging my Grandpa...He's being accused of something he did not do..." Nia clasped her hands. "I-I know that you're still mad at me because I've hurt you but please...please, Ramses...I'll do anything mailabas mo lang si Grandpa sa jail...H-he's too old to stay there..."

"Hey, hey...calm down." Hindi niya alam kung paano ito aaluin. He can't hug her and kiss her just like before. Hindi niya na puwedeng gawin iyon at wala siyang planong gawin iyon dahil naiisip mayroon na siyang Crystal Jane ngayon.

"Nasaang presinto ang lolo mo? Take me there," pinal na sabi niya. Tutulungan niya ang matanda dahil may pinagsamahan din naman sila nito at tinuring rin siyang apo nang may relasyon pa sila ni Nia noon.

Hindi niya na iniisip kung ano mang nakaraan nila ni Nia. He's a lawyer and if he can help someone, he will.

Mabilis na hinila siya ni Nia pasakay ng elevator. Minutes later they we're on the road and heading to Marikina-kung saan sa presinto doon dinala ang matanda.

Habang nasa kotse ay hindi mapakali si Nia. Kung sinu-sinong tinatawagan nito at hindi naman ito naiintindihan ng kausap dahil puro pag-iyak ang ginagawa nito.

"Calm down, Nia. Kung wala talagang kasalanan si Mr. Fortun," tukoy niya sa Grandpa nito. "You shouldn't be scared. Maiilalabas siya sa kulungan at mapapapiyansahan kung walang sapat na ebidensyang maipapakita sa'tin tungkol sa inaakusa sa kanya."

Napasinghap ito at pinilit kumalma. Nia's hands are over her face. "My Grandpa is a good person...Hindi siya bagay doon..."

"I know...I know. Just..." Hindi niya na alam kung ano pa ba ang dapat sabihin para pakalmahin ito. Kahit anong sabihin niyang pampakalma ay hindi naman tumitigil si Nia sa pag-iyak. Kapag pinag-uusapan talaga ang lolo nito ay masyado itong mahina.

"Just what?" she snapped.

"If you're scared, troubled, or worried, just pray, Ram. Problems won't be solved instantly but your heart will be calm and it will learn to find rest on God." Umalingawngaw sa isip ni Ramses ang boses ni Crystal Jane at wala sa sariling napangiti siya.

"Just pray, Nia."

Doon natigilan si Nia at sa peripheral vision niya ay nakita niyang puno ng pagtatakha ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.

Selfless Rebound Girlfriend (TOG #2) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon