Chapter Ten (Part 2)

177K 4.7K 1.6K
                                    

***

PAGOD NA pagod na hiniga ni Ramses ang sarili sa kama.

After a week, the case of Nia's grandfather was resolved finally! Papunta na sa korte ang kaso but, a miracle came! Lumitaw ang talagang nakakaalam kung bakit may mga naka-imbak na smuggled goods sa academy ng mga Fortun. Nia's grandfather really knows nothing. At ang may pakana nang lahat ay ang vice-chairperson ng academy na matagal nang may family grudge sa mga Fortun.

Nang pinag-aaralan niya ang kaso, nakakita na agad siya ng loopholes at inconsistencies sa mga humarap na "witness" against their side. Nagkaroon ng tatlong hearing with the Mayor of Marikina at sa lahat ng pinepresenta nilang counterattack ay mas logical at nawawalan ng sense ang mga sinasabi ng false witnesses. Tatlo silang abogado na nag-handle ng kaso. While Nia never left her grandfather's side. Minsan sa presinto pa ito natutulog. Naaawa naman siya sa dating nobya kaya minsan ay sinasamahan niya ito at dini-discuss niya rito ang kaso para may alam rin ito at may naisasagot ito sa mga reporters.

Nia and her grandfather are now resting in their place. Naisip din ng mag-lolo na ituloy na ang pagma-migrate sa New Zealand at ibenta na lang ang academy sa mapagkakatiwalaan ng mga ito.

Napabuga siya nang hangin at saka bumangon ulit. Kinuha niya ang cellphone at tinignan kung nag-reply na ba si Crystal Jane sa mga text messages niya.

Nalaglag ang mga balikat niya nang wala siyang kahit anong text na natatanggap mula rito. On his way home, tinatawagan niya rin ito ngunit hindi nito sinasagot ang telepono. Nang dinaanan niya naman ang unit nito at wala ito doon.

Nahilamos niya ang mga kamay sa mukha. Nagtatampo na siguro ang nobya sa kanya. And he's guilty because he had unpurposely neglected her for the past few days.

Minsan sa sobrang tensyon sa pag-aaral nila ng kaso ay nakakalimutan niyang padalhan ito ng text o tumawag rito. Kapag umuuwi naman siya ay madaling araw na at hindi niya na gustong gisingin pa si Crystal Jane.

Kaya minsan ginagamit niya ang spare key na binigay nito at lihim siyang pumapasok ng unit nito at ng kuwarto nito para man lang makita niya ito bago siya matulog.

A little sight of her makes him going. Ilang beses niyang gustong sukuan ang kaso dahil nako-consume niyon lahat ng oras niya at hindi niya magawang asikasuhin ang iba pa niyang trabaho.

Ngunit sa tuwing palihim siyang pumapasok sa kuwarto ng nobya at sandaling pinagmamasdan itong natutulog na parang anghel, mas tumataas ang hangarin niya na makatulong sa lolo ni Nia. He really wanted Mr. Fortun out of jail.

He stood up and went to the bathroom to freshen up. Dapat mukha siyang maayos at mabango mamaya. Wala pa namang hapunan kaya maghahanda siya para sa nobya.

Ngayong hindi na siya abala, he will make it up to her.

***

PAGPASOK NI Crystal Jane sa unit niya ay natigilan siya nang makita si Ramses na inaabangan siya.

He looked so fresh and handsome wearing his favorite gray v-necked short and walking shorts. Kumislap ang mga mata nito nang makita siya at awtomatiko itong napangiti.

"Ram..."

Lumapit ito sa kanya at kinuha ang kamay niya. "Where have you been? Kanina pa 'ko tumatawag sa'yo...Hindi mo sinasagot ang phone mo," nag-aalalang sabi nito.

She apolegetically smiled. "Naiwan ko kasi iyong phone ko sa place ng pinsan kong si Haley. Na-realized ko na lang nang pauwi na 'ko after naming mag-dinner na magpipinsan.

Selfless Rebound Girlfriend (TOG #2) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon