Chapter Twelve

176K 5.1K 1.4K
                                    

CHAPTER TWELVE

MAAGANG-MAAGA gumising si Crystal Jane para sana maabutan niya si Ramses at makausap ito. Dahil sa mga sinabi nito kagabi ay hindi siya matahimik. Naguguluhan siya sa mga sinabi nito...

"Lagi rin kitang naiisip.Lagi rin kitang napapanaginipan. Naisip ko ang lahat ng puwedeng gawin para bumalik ka sa'kin. Pero di ko ginawa."

Bakit ganoon? How can he tell her that when he has a girlfriend already? Oo, lasing lang ito kagabi, ngunit ang mga nalalasing daw ang may madudulas na dila.

The best way to sort things out ay ang kausapin ng maayos si Ramses. Ang tagal na nilang nag-iiwasan kahit nasa iisang floor lang sila ng condo. Isang taon na silang ganoon. They can' go on like that.

Huminga nang malalim si Crystal Jane bago lumabas ng condo niya at pumunta sa kabilang pinto. Kahit hindi matigil sa pagkabog ang puso niya ay matapang niyang kakausapin si Ramses nang masinsinan.

Alam niyang alas-nuwebe pa ang pasok nito sa law firm ng ama nito. Alas-sais pa lang, kaya alam niyang nandoon pa si Ramses.

Kakatok na sana siya sa pinto nito nang biglang bumukas iyon at palabas na si Ramses na mukhang bagong paligo lang. He's wearing a black slacks and white-buttoned polo. Ayos na ayos ito na wala nang bakas nang kalasingan nito kagabi.

Agad na kumunot ang noo nito nang makita siya kahit bahagyang nagulat na nasa harap siya ng pinto nito.

"Why?" simple yet he said it with coldness.

She tried to smile. "G-Good morning, Ram. Ahm...papasok ka na pala."

Tuluyan itong lumabas bitbit ang suitcase nito at ni-lock ang pinto ng unit nito. "May kailangan ka?" tanong pa nito habang nakatalikod sa kanya.

Lumunok siya. "G-Gusto sana kitang...makausap. Kahit sandali lang."

Humarap ito sa kanya. "Sorry, I can't. May kailangan akong asikasuhin na kliyente. Mahalagang kaso. I need to go," mabilis na sabi nito at saka naglakad papunta sa elevator.

Napakurap lang sandali si Crystal Jane dahil sa tahasang pag-reject nito ngunit hinabol niya ito at sinabayan sa paglakad. "Kahit sandali lang sana, Ramses. May mga gusto lang akong itanong. Kahit hindi ngayon. Kahit pag-uwi mo na lang mamaya," she softly said.

Pinindot nito ang down button ng elevator at naghintay sa pagbukas niyon. Napatingin ito sa wristwatch nito at pagkatapos ay sa kanya. His lazy and emotionless eyes stared at her for a while and he said, "Hindi ko alam kung may available akong oras. Kung sobrang sandali lang iyan, sabihin mo na lang ngayon habang hinihintay ko ang elevator."

Nakagat ni Crystal Jane ang ibabang labi. Clearly, he does not want to talk with her.

Nagsalubong ang dalawang kilay nito. "Talk now, Crystal Jane, if you wanted to talk."

Umiling na lang siya. "M-Maghihintay na lang ako na magkaroon ka ng oras. Mukha kasing hindi kaya ng mabilisan lang," mahinahon niyang sabi.

Inalis nito ang tingin sa kanya. "I don't know about that. Kung gusto mo ng maraming oras, go to my secretary. Magpa-schedule ka."

Napatango na lang siya. Doon na bumukas ang elevator at pumasok na doon si Ramses.

When he was gone, nalaglag ang mga balikat ni Crystal Jane. Sa mga inakto ni Ramses ngayon, wala nang kahit anong bakas ng mga sinabi nito sa kanya kagabi.

Kanina bago niya ito kausapin ay nararamdaman niya pa ang mahigpit na pagyakap nito sa kanya. Ngayon, para siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa coldness nito.

Selfless Rebound Girlfriend (TOG #2) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon