Chapter Four

160K 4.4K 660
                                    

CHAPTER FOUR

MARAHANG kumatok si Crystal Jane sa pinto ng kuwarto ni Ramses.

"Ram...?" tawag niya sa lalaki. "Ramses, are you awake? I prepared some dinner," patuloy niya pa ring pagkatok sa pinto.

Wala siyang narinig mula sa loob kundi ang ingay ng air-conditioner. Pumunta siya sa balkonahe sa sala nito at tinignan mula roon kung may ilaw ba sa bintana ng kuwarto nito.

Nakatakip ng heavy curtain ang bintana ngunit halatang bukas ang ilaw.

Kumuha si Crystal Jane nang scratch paper at nagsulat roon.

Ramses, if you're hungry, punta ka lang sa kabila. I prepared your favorite paella. -Crystal Jane.

Nilusot niya ang maliit na papel sa ilalim ng pinto nito. Umaasa siya na mabasa iyon ni Ramses kung gising man ito at sumunod sa kanya sa unit.

Three days had passed since Ramses begged to Nia. Wala na siyang balita kay Nia. Si Ramses naman nagkukulong pa rin sa loob ng kuwarto nito. Wala na siyang nakikitang mga wasted canned or bottled beer sa paligid. Hindi niya alam kung ano nang ginagawa ni Ramses. Nag-aalala na siya dahil kahit minsan hindi niya na nakita itong lumabas ng kuwarto.

Hindi naman siguro ito naglaslas o ano? Ramses is better than that...

Palabas na siya nang condo nito nang mapapitlag siya dahil may lalaking nakatayo sa bukana ng pinto.

Mataas ang lalaki na parang kasingtaas lang ni Ramses. Una niyang napansin ay parang may hawig ito sa abogado. Pati ang built ng katawan ngunit parang mas batak sa ehersisyo ito dahil sa mas malapad na dibdib at broad shoulders. Ngunit magulo lang ang buhok nito or style iyon? Nakasuot ito ng black pants, white shirt at black leather jacket.

"Uhm...hello," bati niya rito. "May I help you?"

"Is Kuya Ram there?" tahimik na tanong nito.

Kuya? Ah! Ito ang nakakababatang kapatid ni Ramses na naikuwento na kanya ni Ramses noon.

"Ikaw si River?"

Tumango ito.

"Hi. Nice meeting you." Nakipagkamay ito sa kanya. "I'm Crystal Jane, your brother's neighbor."

"Yes, I've heard." Tinignan siya nito ng mataman. "Nandyan ba si Kuya?"

Tumango siya. "Nasa loob ng kuwarto niya...hindi ko lang alam kung gising."

"Thank you," pormal na sabi nito at saka siya nilagpasan at lumapit sa kuwarto ni Ramses.

Lumabas na siya ng unit ni Ramses at hinayaan na si River. Siguro ay kakausapin nito ang kapatid. Naghintay na lang si Crystal Jane sa loob ng unit niya kung pupunta ba si Ramses doon.

Habang naghihintay ay inasikaso muna ni Crystal Jane ang mga order ng ice cream na ide-deliver niya bukas. She's busy mixing her ingredients when she heard a loud noise from Ramses' unit.

Mabilis niyang iniwan ang mga ginagawa at saka tumakbo sa kabilang unit.

"Ramses!" pasinghap na bulalas niya nang makitang nakahiga ito sa sahig habang ang kapatid nito na si River ay nasa ibabaw nito at inaambahan ito ng suntok.

"You're better than that, Kuya! She's not worthy of anything kung nagawa ka niyang iwan! Umayos ka na!" matigas at mariing sabi rito ni River at saka tumayo.

Parang tamad na tamad na bumangon si Ramses mula sa sakit. Nagtatagis ang mga bagang nito habang nakayuko.

"Tama nga sila Daddy. You have a damn high IQ but you're EQ is freaking low! Kapag hindi ka pa nag-report next week sa firm niyo ni Daddy, lahat ng taong nakaasa sa'yo, babagsak kasama mo." Pinagpag ni River ang leather jacket nito. "Get your balls back, Kuya. Stop acting like a suicidal loser."

Selfless Rebound Girlfriend (TOG #2) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon