5

980 31 10
                                    

Please correct my grammatical errors if I'm wrong. Mas ayos po yun sa'kin!

______

"Phoenix! Anong kagaguhan ang sinasabi mo?" tanong ni Senna kay Nix mula sa kabilang linya.

"Ikaw kasi yata ang pasimuno ng inuman nayan, Phoenix Sandoval!" kita ko irita sa mukha ni Senna saka binaba ang tawag at napalingon saakin.

"Senna?" takang tanong ko.

"Lean, sama ka sakin. Kunin mona yung gamit mo." anuya sakin nito kaya napakunot ang noo ko.

"Bakit?" tanong ko pero inabot nito saakin ang cellphone nya kaya tinignan ko iyon.

Litrato ni Señorito habang may kayakap sa kama.

"S-saan ito galing?" nanghihinang aniya ko.

"Binuksan ko kasi yung acc. ni Nix kasi sunod-sunod ang notif. at galing yon sa babae pero nakita ko yung larawan ni Hugo kaya tinawagan ko si Nix. Hindi raw nila alam kung sino yun dahil nalasing sila skagabi at nagising naman daw sila na kasama pa si Hugo sa private room nilang mag-kakaibigan." paliwanag nito saakin.

" ayoko. Hindi ako aalis, Senna. Hihintayin ko si Senorito para sya mismo ang mag-paliwanag saakin nyang mga litrato nayan at kung ano ba talaga ang nangyare." aniya ko sa matapang na boses.

May tiwala ako kay Señorito. Hindi nya kayang gawin ang nasa larawan. Imposibleng sya yun kasi mahal ako nun lalo na ngayon na magkakaroon na kami ng anak.

" Pero kapag kailangan mo ng tulong o gusto mong magpalamig, sasamahan kita huh. Ilalayo kita dahil alam mo namang masama sayo ang ma stress lalo na't dalawa ang batang nasa sinapupunan mo." aniya saakin na kina-tango ko nalang.

Bumalik ako sa kwarto kung saan ako natutulog ng komportable.

" Hindi sakin yun magagawa ni Señorito. Nangako sya na ako lang." pagpapalakas ko saaking loob.

Hindi lahat ng pangako ay pwede mong panghawakan dahil minsan may mga pangako na napapako at nasisira.

Napaluha nalang ako dahil sa naisip ko. Pero alam kong mas kailangan kong maging matatag.

Tumayo ako at kinuha ang cellphone mula sa gilid ng kama at agad ko hinanap ang number ni Señorito at sinubukang tawagan pero out of coverage lang ang nakukuha kong sagot kaya hindi kona maiwasang maiyak.

"Lean?" napatingin ako sa pinto at nakita ko si Senna na papalapit saaking gawi.

"S-Senna, natatakot ako. Paano kung totoo yun." naiiyak kong wika.

"Punta tayong Manila?" yaya nito saakin.

"Sasamahan moko?" tanong ko at agad naman iting tumayo.

"Sasamahan din kita!" sigaw mula sa pinto at nakita ko si Nicole na nakatayo.

"Nics, anong gingawa mo rito?" tanong ni Senna.

"Hexon. Sinabi nya saakin kung anong nangyari at alam kong kailangan mo si Hugo at kailangan ka nya. Mag-usap kayo huh." aniya saakin nito kaya tumango ako.

Agad akong nag-ayos ng aking sarili para sumama kila Senna sa Manila.

"Uminom ka muna ng Vitamins at gatas,Lean." sabay abot saakin ni Nics.

Agad king inubos ang gatas at uininom ang vitamins na para kay baby at sila na ni Senna ang kumuha ng gamit ko mula saaking kamay.

"Tara na, Buntis. Huwag kang umiyak at makakasama yan sa kambal." paalala saakin ni Nics kaya naman tumango ako.

Señorito 1: Hugo Montenegro   (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon