Chapter 12
Caleb"Finally! Pwede na akong matulog!" Sigaw ni Crash nang nabuksan na ni sir ang pinto ng bahay.
Kanina pa siya atat na atat umuwi. Pagkatapos naming kumain sa Majestic, pumunta muna kami sa isang shop na nagbebenta ng outing materials.
Si Ceres at Crash yung gusto talagang bumili, eh. Gusto na raw nilang mafeel ulit ang summer although malabo iyon sa side ni Crash. Hindi ko nga alam kung ba't sumasali siya sa pagbibili ng clothing at gamit eh hindi naman siya pwedeng lumabas ng bahay.
Sabi nga ni Ceres kanina, "Kuya, assuming ka masyado. Saan mo gagamitin 'yan? Sa backyard?"
May point siya kahit papano. Ang boring siguro ng summer vacation niya. But if I were him, okay na sa aking makulong 'dun dahil marami naming sources of entertainment sa kanila. Fully air conditioned pa. Mainit kaya sa labas.
Hindi ko nga mailarawan ang kasiyahan ni Crash ngayon. Marami siyang dalang bag mula sa shop na 'yun. Board shorts, traveling bags, hiking essentials, sapatos, tsinelas, dry fit clothing tapos ilang Speedo tops. Daig niya pa si Sir Sebastian na pwede sanang gumala.
"Kuya, masyado ka atang excited para sa summer next year." Natatawang sabi ni Ceres sa kanya.
"Ceres, don't ruin the mood." Mabilis na utas ni Crash. "Sht's going to get real! I'm gonna go skydiving! Cliff diving! Hiking! Snorkeling! The list of things to do is endless!"
Napangisi ako sa sinasabi niya. He really thinks he could leave the house. Si Ceres, handa na rin. Noon pa ata. Konti lang yung binili niya ngayon dahil may magagamit pa raw siya from their trip a few weeks ago.
"Saan tayo?" Masiglang tanong ni Crash sa amin.
"Kuya, wag ka ngang assuming. Aalis na kami soon. Pupunta ako sa Cebu while si Kuya Bas ay sa Maldives. Ate told you to stay." Sabi ni Ceres habang umiinom ng Starbucks frappuccino.
"Damn! Maldives is a beast! I need to go with you!" Sigaw ni Crash. Umiling si sir at saka ipinagpatuloy ang panonood ng TV.
"I'll be with the squad, Crash. If you feel bored, just invite the gang over. To keep you company." Napatingin si sir sa akin. "Otherwise, you'd be spending quality time with Xiara."
I bit the insides of my cheeks. Ayoko na. Parang ang hirap magsurvive ng ilang buwan dito. Okay lang sana kung magisa ako. Ang boring naman kapag kaming dalawa lang ni Crash. If maguusap kami, sigurado akong magiging boring ang conversations namin.
"I'm okay with that." Ngumisi si Crash.
Malalim na napatitig si Ceres sa kanya. Hindi naman ako affected sa sinabi niya. Okay lang niyang kasama ako dahil wala siyang ibang ginagawa kundi mangulit. Tsaka in my opinion, hindi siya masyadong masakit sa ulo dahil nowadays, napapansin kong nagiging casual na kami.
Mabuti nga at hindi niya masyadong dinibdib yung pambubully ko sa kanya. If I were him, I'd send myself death threats. What I did was no joke. I can't even believe that he forgave me. Pero malaki rin naman kasalanan niya sa akin.
If I didn't flop my grades, sana nasa boarding house pa ako ngayon. But the damage has been done.
Nakaupo kaming lahat sa couches sa living room ng first floor. May mga sala pa kasi sila sa itaas pero ba't naman kami mags-settle 'don eh may mas malapit naman, diba?
"They can't come over. Pagkatapos nilang pumunta sa Caribbean, pumunta na naman sila sa Visayas. Marami daw kasing islands 'don kaya susubukan nilang puntahan ang lahat. Shtheads are lucky as hell." Nagigting ang bagang niya.
Humalakhak si sir. "Na-timing kasi sayo ang malas. Ba't ba kasi hindi kayo nagsama sama. Kung kayong lahat ang nakasira sa yacht, medyo okay na rin dahil marami kayo na magbabayad."
BINABASA MO ANG
Ang Pangit Mo!
RandomMy life was better off without him. But then, I asked myself, "Am I still living?" ©shattereddamsel 2013