Chapter 1

474 14 7
                                    

Chapter 1

Makuha Ka Sa Tingin


Nagmumukha akong magnanakaw habang dala dala ko ang aking mga gamit palabas ng bahay. Tagaktak ang aking pawis habang binubuhat ko ang mga ito.

Hindi ko talaga 'to ginusto! I may not be as diligent as other people but I can cope up with the reality of being a college student. Yeah, I may be stubborn at times but I'm not really a stray cat. Sabi nila ang dami ko na daw'ng atraso sa kanila.

And if getting a three for a major is a deadly sin, then I'm definitely going to hell!

But seriously, this isn't my fault!

"You're going to regret sending me out of the premises of your abode! Magaling akong mag English! I can make a fortune with this!" I blurted out. Hindi nila ako pinansin at pinagpatuloy lang ang pagdala palabas sa mga natira kong gamit.

"Kung hindi mo kayang magbayad ng rent, hindi mo rin kayang magtrabaho! Anim na buwan ka nang hindi nakakapagbayad, Ara!" sigaw ni Tita Jera.

I wrinkled my nose. "Eh, naging busy ako sa finals! Hindi na ako nakapag-part time at yung natipid kong pera, binayad ko pa sa tuition!" Hindi niya ako pinansin.

"Ara, papayagan ka naman naming manatili dito kung nagbabayad ka ng tama. Hindi pa ba sapat ang anim na buwang pagpapasensya namin sa 'yo?" Tanong ni Tito Marlo.

"Please naman po!" Pagmamakaawa ko. Umiling si tita Jera at nagkibit-balikat nalang si Tito Marlo.

Ang malas naman. Hindi ko sila naiintindihan. Hindi na ba nila ako napamahal? Tatlong taon na akong nakatira sa boarding house nila tapos sa ganitong paraan nalang nila ako itatakwil?

"Pasensya na pero matanda na kami. Hindi na namin kayang bayaran ang mga bayaran natin sa kuryente. Tapos hindi ka pa nagbabayad ng rent." Napaiyak ako sa katotohanang wala na akong bahay na matitirhan.

"Ara, tatlong taon at anim na buwan na. Para ka nang anak namin pero pasensya na. Wala na kasing nagtatrabaho para sa amin," sabi ni Tito Marlo. "Sana maiintindihan mo kami. Siguro may galit ka na sa amin ngayon, pero kung gusto mo, pwede ka namang dumalaw dito."

My brows furrowed in frustration. Aba, mahal ko nga sila but I doubt that I'll be coming back. Pagkatapos nito, marahil mamamatay ako sa gutom o makikidnap sa tabi ng kalsada dahil wala akong bahay.

Sinara na nila ang pintuan at naiwan akong nakatunganga sa labas ng kanilang bahay. "Damn, I hate this."

Wala na akong choice kundi tumira sa boarding house dahil ako nalang ang nabubuhay para sa sarili ko. My mom passed away when I was nine and then my father married another girl in her stead. Hindi ko alam kung talaga bang minahal niya si mama dahil ilang buwan lang pagkatapos niyang mailibing, nadatnan ko nalang ang bago kong 'mama' sa loob ng aming bahay.

Of course, being a child, nagtampo ako. Nawalan na nga ako ng ina, nagkaroon pa ako ng isang bruhildang stepmother. Mabait naman si Tita Stella, eh. Kaso, sa papa ko lang. Kapag wala si papa, feel niya siya ang dapat naming sasambahin.

Nine years passed at naging college student ako. That was when I got tired of my family's setup. Nagkaroon ako ng apat na nakababatang kapatid wherein sa side ni mama, only child lang ako.

Tapos ayun, ang dami na nila. Na out-of-place ako dahil ako 'yung nagmumukhang ampon o anak sa labas. Ako 'yung original, haler. Dahil 'nun, tinuring nila akong kasambahay.

The only thing I got from the entire setup was that I was able to eat three times a day. Kinailangan ko pa ring pagtrabahuan ang perang gagamitin ko for personal necessities. Pati damit, kailangang pera ko.

Ang Pangit Mo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon