Chapter 9

254 11 5
                                    

Chapter 9
Grocery

Hindi naman sineryoso ni Crash ang sinabi ko. Umaariba kasi ang conceited nature niya. Kaya instead of choosing to fight back, kumalma siya. Napatitig kami sa isa't isa bago siya umiwas ng tingin.

"Damn." Bulong niya.

Naramdaman ko ang awkwardness sa paligid namin. Lumayo ako sa kanya ng konti dahil alam kong napapansin niya ring may gap kami sa isa't isa. Pagkatapos ng ilang segundo, napatawa siya ng mahina.

"I can't believe you..."

I chuckled. Iniwasan kong mailang kami sa isa't isa kaya kinuha ko ang tasa mula sa kanya at saka uminom ng konti. Ang kapal ng mukha ko, alam ko. Wala akong choice.

"Uy! Dahan dahan lang! Matatapon ang kape! Mainit pa naman 'yan!" Sigaw niya. Agad akong napatingin sa kanya. Hindi naman sa feeler pero parang may laman 'yung sinabi niya.

"Di naman kasi mainit ang tubig na ginamit, diba?" Sarkastiko kong tanong sa kanya. Ngumuso siya.

"Alam mo, para kang matanda kung makaasta. High blood! Buti nga sayo at kinakausap kita ngayon dahil nasa good mood ako." Ninamnam ko ang kapeng tinimpla niya. Ang sarap. Tamang tama lang ang timpla. Tapos milky.

"Ikaw nalang kaya gumawa ng kape para sa ating lahat?" Kalma kong tanong. Tumaas ang kanyang kilay.

"Sinuswerte? Sino yung maid dito?"

Kinamot ko ang aking ulo ng marahas sa inis. Hindi niya ba ako naiintindihan? "Sir naman... Hindi nga po ako maid. Ilang beses ko pa po bang sabihin sayo na personal assistant ako at editor ng ate mo?" Nagtitimpi kong sabi.

"Alam mo, ang offensive ng pagtawag mo sa akin ng 'sir.' Grabe."

Napatawa ako. This guy's pretty outgoing at hindi tahimik. Pero narcissistic parin siya.

Tinawag ako ni kuya Sebastian kaya iniwan ko siya para magtimpla 'don ng pwede naming mainom.

"Pakikuha ng mga supply ng itlog sa labas. Andun 'yung truck. Just sign the papers." Malalim niyang sabi habang nakatingin sa iPad niya. Tumango ako kahit alam kong hindi siya nakatingin sa akin.

Sinuot ko ang aking mga tsinelas at lumabas. Nakita kong may dalawang lalaki na nakasuot ng simpleng shirt. Nakangiti sila at may dala-dalang trays ng itlog.

"Magandang araw, hija. Ito na 'yung inorder ni Sir Sebastian."

Binuksan ko ang gate para makapasok sila sa loob. Dala dala nila ang apat na tray ng itlog. Supply na 'to para sa isang buwan. Sobra pa ata. Nang nakapasok na kami sa loob, binati nilang dalawa ang magkakapatid.

"Magandang araw po, manong Kaleng at manong Fred!" Masiglang bati ni Crash sa kanilang dalawa. Tumango lang si kuya Sebastian bilang pagbati.

"Kamusta na nga pala ang branch?" Tanong niya. Sa tingin ko'y tinutukoy niya ang kanilang negosyo. Wala pa nga akong ideya kung ano ang minamahala nila. Ang alam ko'y marami nang naghihintay na magnegosyo sila.

It's a big break for the Astors. Attorneys, engineers, interior & landscape designers at architects kasi sila. Family tradition daw ayon kay Ceres. Hindi naman sila tutol 'dun dahil inaalagaan nila ng mabuti ang kanilang reputasyon.

"Galing hijo, ah. Salamat nga pala sa pagtulong mo 'dun. Mabuti na ang kalagayan ng farm. Salamat at pinayagan ka ni ma'am na tumulong."

Hindi matanggal ang ngiti ni Crash sa kanyang mukha. Hinahangaan nga niya ang kanyang ate. Mabuti nga't okay na sila ngayon. Noong unang gabi ko kasi rito, nagkatampuhan sila. And I think it wasn't just for that. Sa tingin ko, may pinaghuhugutan si Chan.

Ang Pangit Mo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon