Chapter 11

199 11 7
                                    

I passed the ten-chapter era! Himala!

Chapter 11
Past

Lumingon ako sa iba't ibang direksyon para hanapin 'yung magbabayad ng lahat na ito. Ang lalaking nasa tabi ko naman, naglalaro sa kanyang cellphone. Mabuti na nga 'yon dahil nakakailang siyang kausapin.

Kami nalang ang natirang nakalinya sa counter dito. Sa pagkakaalam ko, hindi naman makatarungan iyon kahit pa ang presidente na 'yung nakalinya. Pero ngayon, walang nagtatangkang pumila dahil na rin sa katotohanang matatagalan sila.

Sa gitna ng napakaingay na kapaligiran, narinig ko ang paghihingal ni Ceres. Napatingin ako sa direksyon niya.

"Ara!" Sigaw niya. "I am so sorry! I saw a gorgeous pair of shoes from Saint Laurent and I had the urge to buy them! But unfortunately, they were too expensive. As expected. Kaya nangutang ako kay kuya..." Ngumiwi siya. "And he was not easy to woo."

Tumango ako. That's predictable. Siguro naman, hindi mo kailangang bumili ng sapatos na ganun kamahal. May mas importante pang kailangang bilhin. For example, pagkain.

"Anyways, eto na ang bayad."

Tinanggap iyon ng cashier at saka niya binigay sa amin ang receipt.

Napatingin ako kay Crash. Naglalaro pa rin siya. Marahil yung sinasabi niyang COC. Inilagay na ng lalaki ang ilang box ng groceries sa cart.

"Ako nalang yung sasama sa kanya papunta sa kotse," sabi ni Crash.

Nanlaki ang mga mata ni Ceres at agad niyang hinawakan ang kamay ni Crash. "Don't go there!" Mabilis niyang sigaw. Tinaas ni Crash ang kanyang kilay.

"Ba't hindi?"

"Aㅡah, ano... para hindi ka mapagod sa kakalakad." Sabi ni Ceres sabay kamot sa kanyang ulo. Tumunog ang cellphone niya at mabilis niya namang kinuha iyon.

Napapikit siya sa kanyang mga mata pagkatapos niyang basahin ang isang text (a wild guess, tumunog naman kasi yung phone niya). Para siyang nagmamadali. Kitang kita ang frustration sa mukha niya.

"Uㅡuh, don't go anywhere near the car, okay?" Mabilis niyang sabi. "Diretso nalang kayo sa Magestic! Parang andun si kuya Bas!"

Mabilis ang paglakad niya kaya nahirapan ang lalaki sa pagdala ng mga groceries habang hinahabol siya. Naku, parang di affected si Ceres. Ano kaya ang nangyari dun?

Samantala, naghahanap ako ng pwedeng gawin para makuha ang atensyon ng lalaking katabi ko. Ang awkward na kasi. Awkward kasi kilala ko siya. Pareho kami ng university na pinapasukan (although hindi ko gets kung bakit okay lang sa kanya mag UP eh pwede naman siyang mag ADMU) tapos kilala pa siya ng marami.

Feel ko nga mas awkward pang makasama yung kilala mo pero ni minsan, hindi kayo nagkausap at parang hindi ka niya kilala kaysa hindi mo talaga kilala. Hope that made sense.

Nagsimula akong maglakad patungo sa Majestic (read posted note for clarifications) at sinusundan naman niya ako. No questions. Sunod lang.

Medyo sumasakit na nga ang paa ko sa kakalakad. Dinagdag mo pa yung naging trabaho ko kanina sa bahay. Hindi pangkaranawing household chores 'to dahil napakalaki ng area na kailangan kong linisin. Okay lang sana sa boarding house nina tito at tita kasi hindi naman kalakihan 'yon pero iba na 'to.

May kaunting pera pa ako mula sa aking naipon sa trabaho ko noon at dahil feel ko kailangan ko nang i-spoil ang aking sarili ng kahit konti, tumigil muna kami sa isang Sorbetes stall.

"Bili muna ako, ah? Saglit lang," sabi ko. Tumango siya at saka inilagay ang kanyang phone sa bulsa niya.

"Pili lang po kayo, ma'am. Pinoy flavors, masasarap 'yan." Nginitian ako ng tindera.

Ang Pangit Mo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon