Chapter 2

218 9 2
                                    

Chapter 2
Is This What You Want?

Tinawagan ako ni Sheba para magtanong kung kamusta na ang first half hour ko sa bahay na 'to. It's indescribable, really. In an utterly negative way.

"Sorry! Hindi ko natandaan na andiyan na pala mags-stay si Crash. Eh, mula kasi 'yun sa Manila. Nag-transfer na pala siya dito." Napasimangot ako sa sinabi niya. Wala akong magawa. It's the least and the only thing I can do.

"Okay lang, Sheb. But, I'm not quite comfortable with this guy..."

Naalala ko 'yung pagtawag niya sa akin kanina. Grabeng goosebumps. Hindi ko alam kung ano ang dahilan para nito pero nakaka-intimidate siya.

Kinuha niya lang 'yung bag ko at hinatid sa living room nila. Hindi pa kasi tapos si ma'am Cerise sa trabaho niya. Pagkatapos 'nun ay dumiretso na siya sa kwarto niya. Ayun, iniwan ako.

"Hindi ba nagtataray?" tanong niya sa kabilang linya. Hindi naman pero I guess the game hasn't started. By the looks of it, he isn't nice. "Hindi pa," sabi ko.

"I'm sorry for putting you through this, Xiara." Ako nga dapat ang magpasalamat sa kanya dahil meron na akong matitirhan ngayong summer.

Baka naman nagso-sorry siya dahil sa magiging fate ko sa bahay na ito. "Is he really that, uh, disappointing?" tanong ko.

"As far as I'm concerned, he's the black sheep of the Astor family. Hindi naman sa bobo siya. He's just... not in line with his siblings." Napasimangot ako dahil 'don. Is he that unacceptable? Black sheep?

"Si ma'am Cerise?"

"Ate Cerise is nice. Straightforward. That's why she's usually misunderstood. Pakabait ka lang. 'Yung problema mo ay si Crash. He's demanding. And he has a lot of desires. Really." Kinabahan ako sa sinabi niya.

Napatingin ako sa orasan. Damn, it's nine. Tapos wala pa si ma'am Cerise. So, it's basically the two of us here.

Sumandal ako sa red leather couch nila at saka niyakap ang isang pillow na may nakasulat. Je t'aime. Nakakapagtataka dahil parang sira na ito tapos may mga cuts. Drama naman.

"Throw that away."

Para akong naubusan ng dugo nang narinig ko ang malalim niyang boses. Tiningnan ko ang mukha niya sa gulat. Hindi ko kayang tumingin sa kung ano mang nasa ibaba ng kanyang mukha.

Takte. Topless.

"Hㅡha? Bakit?" nauutal kong tanong. Wala akong masabi! Grabe, ang init! Nakakainis dahil hindi na akong makakagalaw. Nginusuan niya ang unan na yakap ko.

"I want you to throw that away." Hindi pa rin ako nakagalaw dahil sa hitsura niya. Bagong ligo. Tapos basang-basa pa ang kanyang buhok... ang napakaitim at napaka-flawless niyang buhok.

"Ba't nandyan 'yan? Throw that away!" Agad akong napatayo. Stress naman 'to. Akala niya ang gwapo na niya. Kung makapag-demand! Kung hindi ko lang sana kailangang tumira sa kanilang bahay, kanina ko pa 'to tinarayan.

"Okay po."

Umalis ako 'don at naghanap ng basurahan. Nang nakita kong wala na siya sa living room, agad kong inilagay ang unan niya sa bag ko. Sayang naman. Mukhang mamahalin tapos itatapon lang.

I decided to go to the kitchen and so some chores. Tutal wala rin naman akong magagawa. Hindi pa ako inaantok at kahit naman sigurong gusto kong matulog, hindi ako pwede dito. Baka paggising ko, wala na ako sa bahay nila. Precautionary measures.

Napansin kong malinis naman 'yung bahay nila. Really tidy, to be exact. Parang hindi naman ako kailangan dito. The only room that needs to be cleaned is his room, I guess. Not that I haven't seen it. Just a wild guess.

Ang Pangit Mo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon