Chapter 6
Bakit Siya Umiiyak?Tango lang ako ng tango sa mga sinasabi ni Ceres. Kasalukuya'y kinukwento niya sa akin ang tungkol sa kanyang mga kuya. Free storytelling. Titiisin ko 'to. Bahala na't laging name-mention si Crash basta marinig ko lang ang tungkol kay kuya Bas.
"Si kuya Zach at ako ang pinaka-addicted sa travel. Wanderlust nga. Si ate at si kuya Bas, behave lang. Lalo na si kuya!" Tumawa siya. "Ayaw niya talagang lumabas sa bahay."
"Ano naman ang ginagawa niya dito?"
Sumimangot siya. She shifted her gaze from her iPad to me. "Natutulog." Kaya pala ang tangkad! Six footer si kuya. Hindi naman kasi ako pandak. 5"5 ako. Okay na ako sa height ko. Pero mukhang hanggang balikat lang ako sa kanya, eh.
"Hindi ba talaga siya lumalabas?"
"Lumalabas naman. Pag may importanteng lakad lang. Noon, school at bahay lang siya. Ngayon kasi, may trabaho na. Tsaka hands on siyang landscape architect. Passion kasi." Ngumiti siya. "Pero actually, gusto niya talagang mag-engineer. Panganay na lalaki kasi siya. Gusto niyang sundan si papa."
Tumango ako. Pressure nga naman. Ako nga, ginusto kong magfocus talaga sa creative writing, eh. Gusto kong kumuha ng mga course about sa literature. Ewan ko ba't napunta ako sa masscom eh hindi naman masyadong makapal ang mukha ko. I'm not concluding things. No offense.
"Kaya instead of si kuya Bas ang mag-engineering, si kuya Zach ang pumalit. Kaso gusto ni kuya Zach na mag-architecture dahil magaling talaga siya sa larangang 'yon." She wiggled her brows.
"At ayaw nilang mag-shift?"
"I actually asked them about that already. Sabi nila, okay rin naman pero tinamad na sila." Napataas ang kilay ko. Ganun sila kabilis mag-give up?
"Thing is, napamahal na sila sa courses nila. Kuya Zach is a really natural math wiz. Si kuya Bas naman, natural talaga ang talent niya sa art." Namangha ako sa sinabi niya. The part about kuya Seb, that is.
Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "The awesome thing about them is that they're naturally talented. Walang kinuhang art workshop or classes si kuya Bas. Pero trained na siya ngayon dahil may subjects naman siya na nagf-focus sa arts." Tumango ako. This fascinates me so much. Ang galing talaga ng crush ko!
"Si kuya Zach naman, natural lang talaga. Hindi matataas ang grades niyang may kinalaman sa math pero di naman siya bumabagsak. Tamad kasi, eh. Ayaw gumawa ng mga project at assignment. But if merong mga competition, siya ang idinadala palagi. National competitor 'yan at grumaduate ng Kumon at the age of 11."
National competitor? Wow. I can't believe I'm impressed. Hate ko kasi ang math. Pero bahala siya. Mas magaling pa talaga si kuya Seb.
"Sa amin, si kuya Zach 'yung in between fair and moreno. Maputi 'yan noon. Ngayon, konti nalang. Palagi kasing nagta-travel. Pareho kami. Pero of course, nags-sunblock at lotion ako." And why is the topic about Crash again?
"He likes to run away from the world. From his fears. Kaya siya pumupunta sa iba't ibang lugar. He's been to the Carribean recently. Kaso lang, na-stuck ang sinakyan niyang mini-yacht sa dagat. Siya lang kasi isa tapos hindi naman siya marunong mag-maneuver." Napatawa ako. Hindi ko alam pero natatawa talaga ako sa kanya. I never knew he was like this. Akalain mo?
"Pinagalitan siya sa authorities dahil hindi sa kanya ang yacht na 'yun. Ewan ko ba. Hindi niya ata binayaran? I don't know the whole story. Tinawagan niya si ate dahil hindi niya ma-contact si mama at papa. Ang resulta, si ate ang pinabayad. Ilang milyon din 'yun kasi nasira niya ang ilang parts ng yacht."
Kaya pala hindi sila in good terms. Makikita ko namang mahal na mahal ni Chan si Crash pero para talagang may issue. Ito pala ang naging topic nila kagabi. The 'grow up' issue.
BINABASA MO ANG
Ang Pangit Mo!
RandomMy life was better off without him. But then, I asked myself, "Am I still living?" ©shattereddamsel 2013