CHAPTER 9

49 5 15
                                    



"Papansin," Bulong ni Sunny.



Pinitik tuloy siya sa noo ni Dave. "Grabe ka naman sa tao!"



"Bakit, tao ba siya?" Sagot naman ni Sunny.



"He's our friend, Sunshine," Malumanay na bulong ni Dave habang nakaakbay kay Sunny.



"I really don't like him... By the way," Nilingon ako ni Sunny at nginitian.



Hindi ko tuloy alam kung totoo pa ba ang ngiting 'yon ni Sunny. Dahil pansin talaga ang inis sa mukha niya magmula noong umalis si Aeri. I mean, kahit ako alam kong hindi tama ang atmosphere kapag magsama silang dalawa sa iisang lugar. Hindi rin gaano nag-uusap si Aeri at Sunny kapag magkakasama kaming apat. Maliban nalang siguro kapag may kailangan sabihin o itanong silang dalawa sa isa't-isa.



I heard somewhere that Aeri and Sunny used to be close friends. Galing kasi silang dalawa sa iisang province, and that is the province of El Santa. Kalapit na probinsiya ng De Guiva.



Perhaps something happened between those two that made them strangers with memories.



"Gusto mo bang kumain, Cha? May alam akong masarap na karinderya!"



Dave also put her arms on my shoulder and squeezed it. "Bawal humindi! Papagalitan ni Mickey Mouse!"



Tumango nalang ako na nagpahiyaw sa kanilang dalawa. Maaga pa naman kaya sigurado akong kahit mahuli ako ng kaunti papunta sa bahay ni Zainmir ay hindi ako gagabihin pauwi. We headed to an eatery near our university's soccer stadium. Ito palang ang una kong punta rito kaya nagulat ako na sobrang dami palang nagtitinda rito ng sari-saring pagkain! I tried to convince Troy to visit this place, but we always ended up at Nanay Edna's place to eat pares and sometimes silog!



I'm not saying na nagsasawa na ako, ah? The food of Nanay Edna is a top-tier dish I have ever tasted. But I really want to explore more foods that are new to me. Malakas lang talaga man-demonyo si Troy sa Pares, kaya wala rin akong magawa dahil powerful ang gayuma niya kumpara sa akin!



"Cha, alam mo ba tawag dito?" Dave asked, holding a zigzag-shaped food on a stick.



"That's Isaw, right?"



"Pampam, Sunshine, oh! Ako nga sasagot para sa kaniya, eh!"


When The Weather Is Nice, Let's Meet Again (El Diva Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon