CHAPTER 15

30 2 1
                                    

Warning: This chapter contains abuse, harassment, and language.



"Anong tinitingin-tingin niyo riyan, ha?! Tusukin ko 'yang mga mata niyo, eh!" I pulled Dave's sleeve when he noticed that some of our blockmates were staring at me with judgment in their eyes while we were eating in the cafeteria.



I smiled briefly before telling Dave it was fine and not to worry about fighting back.



"Nakakagago kasi mga tinginan nitong mga 'to, Cha, eh! Perpekto ba kayo?"



"Lakas mo, Dave! Akala mo kung sino kang malinis," Before Sunny could even grab Dave's arms, Dave immediately ran towards our blockmate and punched him in the nose.



Nagkagulo sa loob ng cafeteria kaya ang sunod na nangyari ay napalabas kami sa loob nito. Inaalalayan pa rin ni Sunny si Dave na nagtamo ng dalawang suntok sa mata at sa gilid ng labi nito. Si Aeri naman 'yung nakikipag-usap sa loob para ma-settle 'yung nangyaring gulo. May ilan din kasing gamit na nasira.



Hinintay ko lang na makalabas si Aeri para makumpleto kaming apat at doon na ako nagpaalam sa kanila na mauuna na dahil kailangan kong umuwi agad para kay Sofia.



Sunny hugged me tighter and whispered in my ear. "Nandito lang kami palagi, ah?" Tumango naman ako at niyakap siya pabalik. Ayaw ko na silang abalahin masyado. Wala nga kaming pasok ngayong sabado, pero mas pinili pa rin nila akong yayain na mag-review at kumain ngayon sa cafeteria dahil siguro ay nabalitaan na rin nila 'yung tungkol kay Daddy.



"I'm sorry for causing trouble, Cha. Mga bastos kasi 'yong mga 'yon. Hindi ko lang napigilan," Nag-sorry nalang din ako kay Dave at bahagyang tinanguhan si Aeri bago ako maglakad papalayo sa kanila.



Ang hirap. Ang hirap makaiwas sa tingin ng mga taong hindi pa nga alam ang katotohanan, grabe na kung makapanghusga sa buo mong pagkatao. Pero ayokong magpaapekto lalo na't ngayong marami pa akong mas dapat inuuna. Next week ay finals na. Ayokong munang mag-breakdown. Mamaya kung kailan matatapos ko na 'yung school year ay doon pa ako magkaroon ng problema sa grades ko. Sayang lahat ng pagod ko.



Sofia also needs me. Hindi na nga ako nakabalik sa kuwarto ko kagabi sa takot na baka atakihin na naman siya. 'Yung doctor niya lang 'yung dumating kagabi dahil pauuwi palang galing Cebu si Tita Mildred para sa trabaho niya.



Si Daddy naman ay hindi pa rin umuuwi hanggang ngayon kahit nakailang beses na akong sabi kay Manang na ipaalam ang nangyari sa bahay at kay Sofia. Andaming katanungan sa isip ko. Pakiramdam ko ang layo-layo lately ni Dad. Pakiramdam ko ang dami niyang nililihim sa amin. Andami niyang sinasarili.



Troy heard what happened last night kaya nga bumalik ito sa bahay para samahan ako sa pagbabantay kay Sofia. Pinagluto niya pa kami ng pagkain bago siya umuwi sa kanila para makaligo at nang makabalik siya sa mansion, may dala-dala na siyang paper bag na ang laman ay ulam na puro gulay. Pinadala raw 'yon ni Tita Thalia para sa amin ni Sofia. Sabay din kaming pumasok kanina. Ayaw niya talaga akong pabayaan mag-isa dahil alam niyang masyado pang delikado 'yung sitwasyon ko.

When The Weather Is Nice, Let's Meet Again (El Diva Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon