"Highest paid engineer, pero pechay lang hindi makabili?" Nakanguso kong bulong habang nakatayo pa rin doon sa harap ng mga drinks.
I was sipping on my blue lemonade when the guy named Zainmir suddenly looked at me habang kausap siya ni Daddy at ilan pang mga naglalakihang bisita. Muntikan ko pang mabuga 'yong iniinom ko sa lalaking biglaan nalang sumulpot sa tabi ko sa sobrang pagkabigla. Ito ata 'yong kaninang yumakap sa akin. Adik 'to panigurado.
Dahil ayaw ko naman isipin nung lalaking si Zainmir Alore na sa kaniya ako nakatingin--kahit totoo naman, agad akong bumaling sa katabi at bigla nalang tumawa na kinagulat niya. Sumisimsim kasi ito sa wine niya habang nakatingin sa mga taong abala sa pakikipag-usap sa isa't-isa, katulad ko.
"You startled me!" He said, wiping the side of his lips with his thumb. Nabigla kasi siya sa pag-angat ng wine glass niya kaya siguro may ilang lumandas sa bibig niya.
"Nagulat din ako!" Sabi ko bago kumuha roon sa table na nasa likod namin ng tissue at nilahad 'yon sa kaniya. "Here, I'm sorry," I said sincerely, handing him the tissue.
He bit his lower lip before raising a brow. "I'll accept your apology only if you'll agree to wipe my mouth for me," Sarkastiko akong tumawa bago pikon na ibato sa pagmumukha niya 'yong tissue.
"Mamatay ka na," Sabi ko, dahilan para humagalpak ito ng tawa.
"Sungit mo naman, Cha," Maka-Cha 'to, akala mo naman close kami.
Inirapan ko siya at lumipat ng puwesto para makalayo sa kaniya, pero agad din ako nitong sinundan habang nakangisi pa rin.
Huminga ako nang malalim bago siya lingunin. "Ikaw ba, may gusto ka sa akin, ah?" I bravely asked.
Kita ko kung paano dumaan ang pagkamangha sa mata nito na para bang hindi inaasahan ang tanong ko. "You're pretty, yes. But I'm sorry, hindi kita type," Mukhang napasobra ata ang level ng confidence ko ngayon gabi at talagang naging assumera pa ako.
Inirapan ko siya, trying to hide my embarrassment. "Pangit ng type mo kung ganoon," Natawa siya sa sinabi ko bago may nginuso.
Kumunot ang noo ko. "Ano?!"
"I don't like you, but I like your," Muli itong ngumuso, at nang sundan ko ang paggalaw ng labi niya... Agad nanlaki ang mga mata ko nang huminto 'yon sa dibdib ko.
"Manyakis!" I was about to kick his friend between his thighs when he immediately covered it with both hands and then chuckled.
![](https://img.wattpad.com/cover/315454949-288-k591966.jpg)
BINABASA MO ANG
When The Weather Is Nice, Let's Meet Again (El Diva Series #1)
RomanceHow would you face the world after having experienced a tragedy that has paralyzed your whole system? Maybe for some people, they will choose to hide. Choose to cry about it all day and night. Choose to run. They will choose to refuse the reality th...