CHAPTER 4

36 6 3
                                    



"It's ok, hindi naman mabigat," Pagpigil ko sa katulong na papalapit na sa akin para kunin 'yung bag ko.



Tipid ko nalang nginitian 'yung katulong namin at nagsimula na akong umakyat. I was about to enter my room nang makita ko na bahagyang nakabukas 'yung pintuan sa kuwarto ni Sofia kaya naglakad ako papunta roon para isarado sana 'yon, but I suddenly stopped when I saw Sofia standing in front of the mirror while holding a camera on the left side of her hand, and a white dress on the right. Nakangiti siyang fin-film yung kabuoan niya sa mirror habang 'yung dress na hawak-hawak niya ay nasa harapan niya.



"Hi, this is Sofia! What do you think about me wearing this dress to my--" I shook my head before closing Sofia's door without making any noise so that I wouldn't disturb what she was doing.



After I went inside my room, I put my backpack first on the sofa, then pumasok na ako sa CR para maligo. Natigilan ako at biglang inamoy 'yung uniform na suot ko kung amoy araw ba ako o ano! Ngayon lang ata pumasok sa isip ko na baka kaya palaging nakasimangot sa akin si Zainmir, eh, dahil sa amoy ko kapag nagpupunta ako roon sa bahay niya!



Nakahinga ako ng maluwag nang wala naman akong naamoy na kakaiba sa katawan ko. I smirked as I put toothpaste on my toothbrush, then started brushing my teeth. While brushing my teeth, bigla ko nalang naalala kung paano ako ngitian kanina ni Zainmir. He even called me by my name!



"Channel," Panggagaya ko pa sa tono ng boses niya.



Bigla tuloy akong natawa habang nakatingin ako sa salamin. I really like it when my name was coming from him. Parang ang ganda-ganda pakinggan. Agad akong nagmumog at lumabas na doon sa CR bago dumiretso sa walk-in-closet para makapagbihis na.



Nagsuot lang ako ng hoodie at shorts tapos umupo na ako roon sa study table ko para simulan na 'yung activity na binigay sa accounting. Tiningnan ko 'yung orasan sa gilid ng table, at halos lumuwa 'yung mata ko nang makitang eight thirty na! Nagsimula nalang ako agad dahil hindi naman maba-balance 'yung mga transactions kung mag-iinarte pa ako.



Why did I choose this course again?



Back then kasi, bago pa man ako mag-enroll for college, ansabi ko sa sarili ko, every single college course is hard kaya bakit hindi ko pa itodo, 'di ba? Ngayon, anong napala ko?



"Sabi kasi plus and minus lang 'to, eh," Naiiyak kong bulong habang patuloy pa rin sa pagba-balance nung pangatlong transaction.



Ten o'clock nang matapos ako sa pagba-balance nung pangatlong transaction kaya nagmadali na akong i-rewrite lahat dahil anong oras na rin at saktong eleven PM ito dapat ipasa. 'Yung prof pa naman namin sa accounting talagang mas mabangis pa kay Princess Thea. Naglalakad palang 'yon alam mo nang dalawang tigre na ang napa-amo, eh.

When The Weather Is Nice, Let's Meet Again (El Diva Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon