"Ano'ng plano niyo sa bakasyon?" Tanong ni Dave.
Nasa cafeteria kami ngayon katulad ng palagi naming ginagawa tuwing uwian. Inaayos ko ang lunchbox na may lamang apat na tupperware bago 'yon ayusin sa gitna ng lamesa para makakain na kami. Inuna kong abutan ng tupperware si Aeri dahil busy na naman ito sa pagbabasa sa libro na hawak niya. He closed the book he was reading and sat properly. Siguro kasi alam niyang hindi ko na naman siya tatantanan hangga't hindi siya nakikitang kumakain. Dapat lang, 'no!
Hindi dapat pinaghihintay ang pagkain dahil ito ay lalamig.
"Pumunta sa malayo para hindi makita 'yang pagmumukha mo," Pangbabara ni Sunny kay Dave.
Tumawa lang si Dave habang palihim na kinukuhanan ang kanin sa tupperware ni Sunny. Sinampal tuloy siya nito nang mahuli siya. Isang araw hindi nalang ako magugulat kung tabi-tabingi na ang mukha ni Dave dahil sa palaging ito ang inaatake ni Sunny sa tuwing inaasar siya ng kaibigan niya.
"I'll probably stay in our hometown in the province of El Santa," Sunny automatically froze from where she was sitting, then slowly tilted her head to meet Aeri's eyes.
Sunny just looked away and continued eating. Dave eventually asked me to help lessen the awkward atmosphere at our table. I chewed the food inside my mouth first before speaking.
"I don't know pa, eh. Busy din kasi si Daddy sa work niya, and Tita Mildred also. That's why I'm not expecting a vacation this summer," I told them.
Tumango naman silang tatlo at sinabing dadalawin nalang ako sa bahay para guluhin. I laughed at three of them because I knew they were just trying to cheer me up. I don't mind, though. Hindi naman talaga kasi kami nagbabakasyon kapag summer or kahit anong okasyon gawa ng wala naman palaging time ang mga magulang ko kahit noon pa kaya hindi na ganoon ka big deal sa akin ang summer.
Kaya lang naman hindi ako makapaghintay sa bakasyon ay dahil sa makakahilata na ako buong araw na walang kailangan ipasa na activities. Walang mag-iingay na alarm clock tuwing umaga para sabihing kumilos na ako kung ayaw kong mahuli sa klase. At walang review-review na kailangan gawin para hindi bumagsak sa mga exams at quizzes.
Peace of mind lang ang dahilan kung bakit gusto ko nang matapos ang school year namin ngayon.
Sinalinan ko pa ng kanin si Aeri matapos makitang ubos na ang pagkain niya. Aalma pa sana siya, pero pinaningkitan ko agad siya ng mata dahilan para mapailing siya at muling magpatuloy sa pagkain. Natawa ako roon na natigil lang nang isandal ni Sunny ang ulo niya sa balikat ko at kunin ang kaliwa kong kamay para ipatong sa ibabaw ng kamay niya at paglaruan 'yon. Katulad ko, mabilis rin natapos sa pagkain si Sunny. Or should I say, naging mabilis dahil kinukuhanan ni Dave ang pagkain niya kapag napapalingon ito sa kung saan-saan.

BINABASA MO ANG
When The Weather Is Nice, Let's Meet Again (El Diva Series #1)
RomanceHow would you face the world after having experienced a tragedy that has paralyzed your whole system? Maybe for some people, they will choose to hide. Choose to cry about it all day and night. Choose to run. They will choose to refuse the reality th...