Chapter 12

0 0 0
                                    

Chapter 12

Matapos kong kumanta ay marahan niya akong hinila at kinulong sa mainit niyang mga bisig. Ramdam ko ang pula ng aking mga pisngi.

We're hugging infront of them.

"Ayon. Sana all may jowa! " sigaw ni Alan kaya nagtawanan kami.

Si Jacin naman ay seryosong naka tingin sa'kin. Nginitian ko naman siya kaya umiwas siya ng tingin. Weird.

"That's so impressive, baby. " mahina niyang bulong kaya napatingin ako sa kaniya.

"Salamat! Ikaw din naman. " naka ngiti kong saad.

Umiwas siya ng tingin at napangiti. 

"Tara na, masyado ng malalim ang gabi. " yaya ni Walter kaya nagtanguhan kami.

Bumalik na kami sa kwarto.

"I love your voice, Wiennie. " malambing niyang saad bago ako yakapin. Naaadik na ako sa yakap niya.

"Really? Thank you. I love your cold voice too. " naka ngiti kong saad bago siya halikan sa labi. Agad naman siyang humalik pabalik.

Kinabukasan ay maaga kaming pumunta sa site. Nagkahiwalay kami ni Walter dahil may meeting pa siya at ako naman ay may aayusing sasakyan.

"Good morning engineer! " masiglang bati ng mga tauhan kaya kumaway ako.

"Ang sweet niyo naman ni Sir Scot kagabi! "

Namula ako sa sinabi ng isang trabahante.

Agad akong dumiretso sa sirang sasakyan para maayos na.

Minor lang naman kaya hindi nagtagal ang pag-aayos. I went back to our room. Tinawagan ko sila sa gc.

"Oh ano? Kamusta buhay? Tagal mong di tumawag ah. " biro ni Thea kaya tinawanan ko siya.

"Tsk, oh, musta kayo ni Walter? " tanong ni Lorenzo kaya namula ako bago ngumiti ng pagkalaki-laki. Kinikilig ako, gosh.

"Ahm, ano, nililigawan niya na'ko. " naka ngiti kong saad.

"Eh nililigawan lang pala—ano?! Ligaw? " gulat na tanong ni Kylie kaya tumawa ako ng malakas.

"Gulat kayo 'no? " naka ngisi kong sambit kaya nagtawanan sila.

"Good yan, 'pag sinaktan ka sabihin mo lang sa'kin ah. " saad naman ni Limuel kaya nagsalute ako.

"Naman! " sagot ko. Nagkwentuhan pa kami bago magpaalam sa isa't-isa.

Weeks had passed at last day na namin ngayon dito sa site. 

"Balik ka dito engineer pag tapos na ah?! "

"Dalaw ka ah! " sambit nila kaya naka ngiti akong tumango.

"Let's go? " naka ngiting tanong ni Walter kaya tumango ako. Its been weeks since he started courting me. Wala pang kaedeya-ideya ang aming mga magulang. Ano kayang magiging reaction nila once na malaman nila?

It's seven in the morning when we left. Nagstop kami sa isang restau para kumain ng breakfast.

"What's your order mam/sir? " pabebeng tanong ng waiter. Halatang nagpapapansin kay Walter.

"Ahm, steak na lang sa'kin. " naka ngiti kong sagot pero hindi niya ako pinansin at nanatiling nakatitig kay Walter.

"Ahm, miss? Steak akin. " naka ngiti kong ulit pero waley.

"Hindi mo ba siya naririnig, miss? Ang sabi ng asawa ko steak kaniya. " sambit ni Winky kaya napapikit-pikit yung mata niya.

"A-ah, sorry po. Ano pong inyo sir? "

A Test Of Fate (EDITED)Where stories live. Discover now