Chapter 08

0 0 0
                                    

Chapter 8

"Good morning Engineer! " bati nila kaya naka-ngiti akong tumango.

"Nasaan yung sira? " naka-ngiti kong tanong.

"Ah, nandoon po sa loob Engineer. " sagot ng isang trabahante kaya nagpasalamat muna ako bago pumasok sa loob.

Isa na lang ang truck na nandito.

"Anong sira? " tanong ko habang tinitignan ang truck na mukhang bago pa lang.

"Ayaw po umandar. " sagot niya. Mukhang ako lang ang may alam dito.

"Spark plug. Kailangan ko ng bagong spark plug. " sagot ko.

"Y-yes po. " sagot niya. Maya-maya lang ay bumalik na siya. Yun lang pala, kala ko kung ano na.

"Ayan! Okay na! " masaya kong sambit ng umandar ang sasakyan. Wala naman akong gaanong gagawin kaya bumalik ako sa kwarto at vinedeo chat sila Thea.

"Yo! Mga kups! " mukha agad ni Lorenzo ang bumungad sa video chat.

"May chika ako. " saad ko kaya nag hiyawan sila.

"May lablayp ka na ba?! " excited na tanong ni Thea.

"Puro lalaki na sa isip mo!" bara ni Lorenzo.

"So ano na ngang chika? " excited na tanong ni Kylie kaya bumuntong hininga muna ako bago sumagot.

"I think I'm inlove. " nakapikit kong sagot at halos pabulong na.

"What?! "

"Ano?! "

"Seryoso?! "

"Di nga?! "

Ito na naman po sila, ang o-oa.

"Y-yeah. Basta nagising na lang ako isang araw, may nararamdaman na ako sa kaniya. Anong gagawin ko? " taranta kong tanong.

"Umamin ka! " sagot ni Kylie.

"H-huh? P-paano 'pag hindi niya ako gusto? " tanong ko, alam kong hindi niya ako gusto waaah!

"Then take the risk. " sagot naman ni Limuel.

"Landiin mo muna, babaluktot din yan. " sabi ni Thea kaya nagtawanan sila.

"Teka, teka, sino tong lalaking to ang bumihag sa NBSB naming kaibigan? " tanong ni Lorenzo.

Dapat ko bang sabihin? P-paano yung kiss? Kailangan din? Kaibigan ko naman sila eh! Saka para alam ko gagawin ko sa susunod.

"Ano, sino nga? " pang-uusi rin ni Kylie kaya malakas akong bumuntong hininga.

"Si Walter. " sagot ko habang naka pikit. Walang akong ingay na narinig kaya dinilat ko mga mata ko. Lahat sila naka tulala na akala mo nakakita ng multo.

"S-sino? Tama ba rinig ko? " naguguluhang tanong ni Thea.

"Si Walter. " sagot ko ulit. Maya-maya lang ay nagtilian na sila. Napasapo ako sa noo. Ito pa lang, ito pa lang paano na kaya kapag sinabi ko yung about sa kiss?

"As in Walter Scot?! " tanong ni Thea kaya tumango ako.

"I knew it! I knew it! " sigaw ni Kylie.

"A-at ang totoo niyan. We — kissed. " salita ko kaya muli silang natahimik.

Seryosong-seryoso ang mga mukha nila.

"Ano kamo? " seryosong tanong ni Lorenzo.

"Sinong humalik sa'yo? " seryoso ring tanong ni Limuel. Ang protective talaga nila kahit kailan!

A Test Of Fate (EDITED)Where stories live. Discover now