Chapter 07
Ramdam ko ang titig ni Walter habang kumakain kami. Hindi ko siya tinignan kahit isang beses lang.
"So, I hope we can swim one of these days. " naka-ngiting saad ni Engineer Castro kaya ngumiti na lang rin ako.
"Of course, 'pag nabawasan ang trabaho. " natatawa kong sagot.
"Nga pala Engineer Madrid, ipapakilala ka namin after lunch sa mga magiging katrabaho natin dito. Actually, ikaw lang ang babae. " naka-ngiwi niyang sagot kaya natawa ako.
"Don't worry, kaya kong maging lalaki. " biro ko aya natawa sila.
"Neon. " tawag ni Engineer Castro kaya napa-tingin ako sa kaniya.
"Why-" pinunasan niya yung gilid ng labi ko.
Nagulat kami nang padabog na binitawan ni Walter yung kutsara niya.
"I lost my appetite. " malamig niyang saad bago kami iwanang gulat.
"O-okay, what's his problem? " takang tanong ni Alan.
"Someone is jealous. " natatawa namang sagot ni Engineer Castro.
Kagaya nga ng napag-usapan ay ipinakilala nila ako sa mga trabahador. Buong maghapon rin ay iniwasan ko si Walter, ni tingin ay hindi ko binigay sa kaniya. Ayoko, baka malaman niya lang yung na sa utak ko.
"Are you and Scot okay? " tanong ni Engineer Castro.
"Hmm, yes Engineer Castro. Why did you ask? " sagot ko.
"Drop that Engineer Castro, just call me Jacin. Well, it seems that you two had a fight. " sagot niya.
"Ah hindi, wala lang kami parehas sa mood. " sagot ko.
Natapos ang dinner namin at dumating ang oras na kinakatakutan ko. Ang magsama kami sa iisang kwarto.
Kumuha ako ng damit at mabilisang naligo. Pumasok naman siya sa loob ng banyo pagkalabas ko. Walang umiimik sa'min. Dahil bored ako at ayoko namang istorbohin ang mga kaibigan ko dahil may mga trabaho, umupo na lang ako sa sofa at nanood ng tv. Nakatutok lang sa pinapanood ang mata ko ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Here's my heart again.
"Are you avoiding me? " malamlam niyang tanong. Hindi ba halata?
"No. " maikling sagot ko habang hindi inaalis sa tv ang paningin.
"Then talk to me. " anong sa tingin niya? Nagsasalita mag-isa?
"I'm talking to you, Walter. " malamig kong saad. Halatang nagulat siya sa tinawag ko sa kaniya.
"Look at me. " I refused to look. Ang mga mata niya ang dahilan kung bakit nahulog ako sa kaniya.
Kailangan ko siyang iwasan para hindi na lumalim 'tong nararamdaman ko, para hindi na ako tuluyang mahulog.
"Please, look at me. " pag-mamakaawa niya, mabait akong tao oo pero ayoko sa lahat yung pinaglalaruan ako. Pinilit ko siyang hindi pansinin.
Hinawakan niya yung kamay ko kaya agad kong binawi.
"Look, if this is about the kiss, I'm sorry. I didn't mean it. " sabi niya kaya pinatay ko yung tv at tumayo.
"Just forget it. " malamig kong sagot bago tinungo yung higaan at nagtaklob at natulog.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag-iisa na lang sa loob ng silid kaya naisipan kong mag jog sa tabing dagat. Magbubukang liwayway pa lang.
The air is so fresh. Ang sarap singhutin.
YOU ARE READING
A Test Of Fate (EDITED)
RomanceThis is the edited version of ATOF, this version has the proper arrangement of the chapters Everything's changed when she learned that she's sick. All rights reserved 2020