CHAPTER 1

13 4 0
                                    

C1:CHILDHOOD PROMISES

Umiiyak ako nong mga oras na 'yun. Pilit ko mang pigilan ang sarili ko'y hindi ko kayang patahanin ang sarili.

Paano ko gagawin 'yon? Aalis na ang kaibigan ko. Aalis na si Ryxel. Iiwan na niya kami ni Jayve. Luhaan kaming tatlo habang pinapalibutan ng nakakabinging katahimikan.

"A-ano ba kayo. B-b-babalik naman ako,eh." Maging si Ry ay hindi mapigilan ang paghikbi.

" Iiwan mo na talaga kami... A-ayaw mo na sa'min? "

Bahagyang natawa si Ry bago ako sagutin " Gustong gusto ko. P-pero...kailangan ko munang umalis. Babalik ako, pangako"

Napayuko nalang ako bago suminga sa panyong dala ko. Maya maya pa'y narinig ko ding tumawa ang katabi kong si Rielle.

"Tangina,nakakabakla ka."

Mahinang sinuntok ni Jayve si Ry sa braso bago tumawa ulit ng mahina. Luhaan pa din ang mukha nito pero may ngiti sa mga labi kahit na halatang nalulungkot base na rin sa emosyon ng kanyang mga mata.

"Bumalik ka, ah. Hihintayin ka namin" mahinang usal ko.

" Of course. I'll be back and when that time comes, I'll marry you" deritsang sabi nito dahilan para matawa ako.

"Gago! Subukan mo at kamao ko ang makakaharap mo. " Sabat ni jayve na nakataas pa ang kamao.

Noon pa man ay 'yun ang lagi nyang sinasabi sa akin. Na papakasalan nya ako. Na ako ang magiging asawa nya. Hindi ko alam kung seryoso sya o nagbibiro kaya natatawa nalang ako.

"S-sira ka. "

Napatingin ako sa mukha nya at nakita kong seryoso na syang nakatingin sa akin, wala nang bakas ng luha ang mata. Napalunok ako bago napailing.

"Basta bumalik ka" nakangiti kong ani.

"Yeah, I will" napabuntong hininga sya.

" Nakng Zebra! Aalis ka man lang mag-e-english ka pa!" Kunwaring inis na sabi ni Jayve.

Bigla kong piningot ang tainga nya kaya napahiyaw 'to. "Anak ka ng Zebra Alpha! Ansakitt!"

Sabay kaming natawa sa naging reaksyon ni Jayve. Halos maging red tomato ang mukha nya dahil sa sakit. Ayan! Sege! Anak pala ako ng Zebra,ah!

Nakangusong tinitigan ako ni Jayve ng masama kaya mas lalo akong natawa. Ang kyut nya lang kasi. Pwede na syang ipanghalo sa spaghetti. Nakangiti pa din akong nakatingin sa kanya samantalang halos patayin nya ako sa tingin.

Naputol lamang ang tinginan naming 'yon nang biglang tumikhim si Ry. "Parang ayoko nang umalis bigla,ah"

Biglang nagliwanag ang mukha ko sa sinabi nya. " Tama! Wag ka nang umalis. Dito ka nalang." Sinubukan ko pang mag-puppy eyes pero tinawanan lang ako nito.

"If only I could do that. "

Nalungkot ako sa sinabi nya. Mula noon ay kaming tatlo na ang magkasama. Matalik na magkaibigan si Mama at Mama ni Jayve samtalang business partners naman ang Mama ko at Mommy ni Ry.

Naging malapit silang tatlo at ito ang naging dahilan kung paanong kaming tatlo nagkakilala. Mula noon,silang dalawa na ang kasama ko sa lahat ng bagay. Sa paglalaro, paggawa ng assignments, sa projects, sa groupings naman ay palaging isa sa kanila ay ka-grupo ko.

"Take care of yourself." Sabi ni Ry sa'kin.

Ngumiti naman ako bago tumango. Ibinaling nya ang tingin nya kay Jayve bago nagsalita. "Take care of her"

"Gagawin ko 'yan kahit di mo sabihin."

Napangiti ako sa sinabi ni Jayve. These two boys are the best. Lagi nilang iniisip ang kapakanan ko. I always feel special because of them. And I love this two assholes.

Holding You CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon