C4: INIS
"Aba! Sino 'yan? Kilala ko pala, baka kaibigan ko 'yan. Wag kang magkakamali, Jayve! Kilala kita, alam ko ang mga kademonyuhan mo sa buhay, " sabi ko sa kanya habang may masamang tingin.
He chuckled. " I like her, why would I hurt her?" Taas kilay na tanong n'ya pa.
"Like, like. Utot mo, Tukmol. Ibig sabihin isa nga sa mga kaibigan ko? "
" Luh, may sinabi ba akong isa sa kanila? " Nangingiti n'yang ani.
" You didn't disagreed when I ask you if it's one of my freinds, so isa nga sa kanila? " Nakataas kilay na tanong ko.
He shrugged. "Maybe."
Inirapan ko nalang s'ya bago tumayo sa kama n'ya. Nag-inat pa ako ng mga buto at tumalon ng tatlong beses. Bahala s'ya kung may gusto man s'ya sa isa sa mga kaibigan kong babae. Ayaw ko lang na may masaktan isa man sa kanila. I hate choices.
"Basta umayos ka sa buhay mo Jayve, sinasabi ko sa'yo. Masasapak talaga kita ng matindi. "
Hindi naman ako kontrabida kung sakaling magkakagusto man si Jayve sa isa sa mga kaibigan kong babae. I mean, it's his feelings at wala akong karapatan para pigilan s'ya sa nararamdaman n'ya. It's just that, I know Jayve very well. Ayo'ko lang dumating yung time na kapag nagkalabuan na sila ay kailangan ko nang mamili kung saan ako mag-s-stay bilang kaibigan nila.
They all know that I hate choices. Ayaw kong pinapipili ako sa dalawang bagay na mahalaga sa'kin. Ang sakit lang kasi kahit na saang banda pa man ang pipiliin mo ay may panghihinayang pa rin. I don't want that. I love them both and I can't chooce between them.
Nagpaalam na ako kay Tita dahil baka hinahanap na ako sa amin. 'Di ako pwedeng magpagabi ngayon lalo na't kailangan ko pang tapusin yung assignment namin. Kasalanan talaga ni Jayve 'to, inaya akong mag-basketball kanina.
Bad influence si Tukmol.
Hinatid na ako ni Jayve gamit ang motor n'ya. Niregalo 'to ni Tita sa kanya n'ong nag-graduate sya noong Grade 10 kami. Sabi n'ya kasi kay Tita na ayaw n'ya na ng bike. Gusto n'ya nang lumevel up. Demanding ang Tukmol.
"Gusto mo bang maranasang lumipad ang kaluluwa mo?" Natatawang tanong n'ya habang inaayos ang helmet sa 'kin.
Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Gusto mo din bang maranasan na mawalan ng kaibigan? " Taas kilay na tanong ko.
Napanguso naman ito at umiling. Takot din naman pala. Ang lakas ng loob na hamunin ako. Gusto pa ata akong ma-meet and greet si San Pedro. Okay sana kung si Sab Pedro, e paano kung si Satan ang nakaharap ko.
"Sabi ko nga, I'll be gentle," sabi nya bago nag-pogi pose sa harap ko.
" Gentle mo mukha mo! "
Pagkadating sa bahay akala ko'y 'di na s'ya tutuloy pa pero nagkamali ako. Ano bang inaasahan ko, ang mag-sawa si Jayve na kaharap ako? Araw araw nalang kaming magkasama, sawa na ako sa mukha nyang laging nakangisi.
"Hello, Mother!" Unang bati n'ya kay Mama.
Agad namang napangiti si Mama. Okay, mukhang may kakampi na ang Tukmol. Magka-team kasi sila lagi ni Mama, dinaig pa akong tunay na anak ni Mama. Ang lakas ng Tukmol na 'to kay Mama, e. Ang galing din kasi magpaawa at umakto na inaaway ko s'ya. Palit nalang kaya kami ng Nanay? Charot, never kong ipagpapalit ang Mama ko.
"Ba't parang sinakluban ng langit at lupa 'yang anak ko , Jayve? " Agad na tanong ni Mama.
Napansin nya atang nakanguso na agad ako pagdating sa bahay. Hindi dahil ayo'ko na lumalapit si Jayve kay Mama kun'di alam ko na ang susunod na sasabihin n'ya.
BINABASA MO ANG
Holding You Close
RomanceKung ikaw ang papipiliin. Yung taong hinintay mo ng mahabang taon o ang taong nanatili sa tabi mo sa mga panahong 'yon? "All I want is to love and hold you... Closely"