CHAPTER 2

7 4 0
                                    

C2:BEAUTIFUL

Mapapatawad ba ako ng Diyos kung sakaling makasapak ako ng kaibigan? Kung sakaling sasapakin ko man ito, saan naman banda at gaano kalakas?

Halos patayin ko na sa sama ng tingin si Jayve dahil sa pinanggagawa nya. Nakangiti lang naman ito habang isa isang nilalagay ang mga chips sa cart namin.

Inutusan ako ni mama na mag- grocery at nagsisisi na akong sinama ko pa ang tarantadong 'to. Wala naman sa listahan ng bibilhin ang mga chips, ah?

"Wag kang sumimangot dyan. Nagmumukha kang Gorilla na nakawala sa zoo" natatawang sabi nya.

Nag-init ang ulo ko sa sinabi nya kaya dali-dali akong lumapit at hinampas sya sa mukha.

"Bwesit ka!"

Pagkatapos ay hinila ko na ang cart papuntang cashier. Iniwan ko sya roon na hinahaplos ang mukha nya habang nakangising nakatingin sa'kin.

Ang saya nya talaga sa tuwing nakikita nya akong naiinis. Minsan ang sarap tanggalin ng labi nyang halos ngisi nalang lagi ang ginagawa. Nagmumukha syang manyak na adik sa panty ng kapitbahay.

Mas lalo akong nainis nang lumapit sya sa akin habang nagpapa-punch ako. Napansin ko rin kasi si ateng Cashier na namumula na at ang lawak ng ngiti. Pasulyap-sulyap din ito sa kasama ko.

"You are so tuyuin. Hindi naman pretty" sabi ni Jayve sa'kin

Sinamaan ko lang sya ng tingin bago inirapan. "Grabe! Ramdam ko ang pagmamahal mo sa irap na 'yan."

Humagikhik ang Cashier kaya napakunot-noo ako. Anong nakakatawa do'n? Mukha talagang clown 'tong kasama ko. Napailing ako sa naisip.

"Buti ka pa, totoong pretty"

Nabaling sa kanya ang atensyon ko. Nang makitang sa Cashier na ang pukos nya at nakangisi na naman ng malutong ay napabuntong hininga nalang ako.

Here comes Jayve, the red flag.

Ngumiti ng mahinhin ang babae at di na umimik. Namumula na rin ang mukha nya sa kilig. Wag 'yan ate gurl. Pang-7 kang babae nyan pag nagkataon.

"What's your name?" He sweetly asked.

"A-alice..." Mahinang tugon nito.

"Hmm? Come again?"  He asked again but looking at me. Parang may tinatantya.

Anong tinitingin-tingin nito? Tinaasan ko sya ng kilay na parang nagtatanong kung ano ang problema. Ngumisi lang naman sya at bumaling ulit sa babae.

"Alice.." ulit ng babae sa mas malakas na boses.

" Alice. What a beautiful name"

" T-thank you"

Ngumiti si Jayve at bumaling ulit sa'kin ng tingin. Inirapan ko sya ulit. Natahimik na naman ang babae at pinagpatuloy ang ginagawa. Good thing walang nakasunod sa'min sa pila.

Baka napalabas na kami dito dahil sa landi ng kasama ko. Kahit saang lugar mo talaga 'to dalhin,palaging may malalandi.

Natigilan ako ng may maalala. Malapit na pala ang red days ko at wala pa akong napkin sa bahay. I should get some. Ibinaling ko sa mga shelf ang mga mata ko,hinahanap ang mga napkin.

"Jayve,may kukunin lang ako sandali ah" ani ko bago bumaling sa kanya.

" Baka iiwan mo'ko bigla,wala akong pambayad dito"

" Ul*l" ani ko sa kanya bago umirap at umalis.

Kahit kailan talaga ang sarap sakalin ng kaibigan kong 'to. Iniwan ko muna sya roon at napansin ko namang kaus---kalandian nya na ang Cashier. Mukhang may isasama na naman sya sa listahan ng babaeng bibiktimahin nya,ah.

Holding You CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon