CHAPTER 6

3 2 0
                                    

C6: AYOS LANG

"Save me, love."

Bahagya akong napatulala sa sinabi niya. This man. He don't even know his effect on me. Hindi ko alam kung bakit pero biglang kumabog ng mabilis ang puso ko. 

What is happening?!

His deep dark brown eyes that seems like calculating my every move. His perfect pointed nose. And his ravishing red lips. Kailan ko ba huling nasabi na may gwapo akong kaibigan? Ang tubig ay dahan dahang lumalandas sa matataas na pilik-mata n'ya pababa sa matangos na ilong n'ya.

Hindi ko alam kung bakit o kung kailan nagsimula pero bakit nga ba unti unti ko nang napapansin ang mga bagay na ginagawa n'ya o maging ang expression n'ya. Hindi ko alam at natatakot akong malaman. Natatakot ako dahil alam kong kapag nakompirma ko 'to, siguradong maraming maaring kahihinatnan. May mawawala at maaaring may  mangyari na maaaring 'di ko magustuhan o makakasakit sa'min pareho.

I laughed awkwardly, "Saang kanta mo 'yan nakuha?"

Napairap s'ya bago ngumuso. "Alam mo..." He trailed off.

Itinaas ko ang kilay ko. "Oh, ano?"

"Ang hirap mong landiin 'no, mamamatay ka talagang single." Sabi n'ya na nagpangiwi sa'kin.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para mag-jogging.  A-attend din kasi ako sa mass mamayang alas otso. Kailangan ko ng outdoor activities para makalanghap ng sariwang hangin. May pagkakataon kasing nai-stress ako sa school works, hindi din ako nakatulog agad kagabi dahil sa tukmol na 'yun.

Nasa punto na talaga ako ng buhay ko na ang sarap sakalin dahil s'ya ang dahilan kung bakit ako bangag na bangag ngayon. Parang mauubos ko na ata ang isang timbang gatas kagabi pero wala pa ring nangyayari.

Iniisip ko pa rin ang mga salitang binitiwan n'ya kahapon at maging ang mga salitang binitiwan n'ya noon. Mga salitang binitiwan n'ya noon na ngayon ko lang napansin.

Bakit ba kaya hindi ko man lang napansin 'to noon?

Ang bawat ngiti n'ya, ang pagkunot ng noo, ang tinig ng kanyang boses, ang bawat galaw n'ya. Lahat 'yon napapansin ko na at bumibilis ang tambol ng puso ko. Baka naman may sakit lang ako sa puso?

Agad akong napangiwi sa naisip. 'Yon ang pinakaimposibleng mangyari dahil healthy naman ako. Sa katunayan nga ay nagj-jogging ako ngayon para maging physically fit.

Sa pagdaan ng mga araw ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Minsan ay parang ayaw ko nang malapit kay Jayve dahil sa lakas ng tambol ng dibdib ko at minsan din at lumalayo ako kay Serene lalo na at napapansin ko na nagiging malapit na sila ng lalaki.

Alam ko namang wala akong kinalaman sa kanila at mas lalong wala akong karapatang pigilan sila kung gusto man nila ang isa't isa dahil sila naman ang may kontrol ng kanilang nararamdaman pero hindi ko mapigilan ang munting kirot na nararamdaman t'wing ganoong senaryo ang nakikita.

Am I just selfish?

Kaya ba ganito ay dahil ayaw kong may ibang taong mapalapit sa kaibigan ko?

Makasarili nga siguro ako pero ayaw ko. Ayoko'ng may ibang babaeng lumalapit sa kan'ya. Na may ibang nakakakuha ng atensyon niya na nasa akin lang nakatutok noon. For the very first time in my whole damn life, I just wanna be selfish.

"Bes, c-can we talk?"

Agad naman akong tumango kay Serene. Sa aming tatlo, masasabi kong mas malapit kaming dalawa ni Mitch kesa sa aming dalawa ni Serene. Well, nakakausap ko naman s'ya at nakaka-bond pero iba pa rin 'yong closeness naming dalawa ni Mitch.

Holding You CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon