CHAPTER 5

5 3 0
                                    

C5: DROWNING

"Maya na tayo kumain, hintayin muna natin si Tukmol," ani ko sa mga kaibigan ko.

Kakagaling lang nila mula sa counter dahil bumili pa sila ng lunch nilang dalawa.

"Talaga?" Mukhang excited na sabi ni Mich.

Mahina naman akong tumango habang nakatitig sa coke na dala nila. Nakakatakam. Gusto ko atang lumagok ng coke ngayong tanghali. Hindi naman ako mahilig sa soft drinks pero ba't parang nae-engganyo ako sa coke ngayon.

"Oo. Nagpaalam sa'kin kahapon. Sasabay raw s'ya."

"'Yon oh! Serene," tapik n'ya sa dalaga. "Pupunta raw dito bebe mo, mukhang gustong magpasubo sayo." Natatawang kantsyaw ni Mich kay Serene na ngayon ay nagkulay kamatis na.

" A-Ano ka ba, Mich. Tumigil ka nga. Ano bang pinagsasabi mo? " Nahihiyang saway ni Serene.

Ito na naman ang inis ko na agad bumalot sa sistema ko and I hate it.

"Oh, Bakit ba? Malay mo naman kaya sumabay si Jayve ay dahil nami-miss ka na n'ya, 'di ba? " Ngising turan ni Mich.

"Imposible 'yan Mich. Kaya lang naman sumasabay sa atin si Jayve ay dahil nandito si Alpha. "

Bahagyang umangat ang kilay ko. " Oh anong ako? Ba't ako? "

" Ikaw lang naman ang malapit sa kanya, eh. You were bestfriends, 'di ba?"

Tumango tango naman ako sa sinabi nya. " Sabagay. Pero malay mo nga naman Serene, ikaw pala trip ni Tukmol? "

Napayuko nalang si Serene habang pilit itinatago ang pamunula ng pisngi. Napailing nalang ako at ipinukol ang tingin sa entrance ng Canteen. Ang tagal naman ata ng unggoy na 'yon?  Kanina pa ako nagugutom kasi na-drain 'yung energy ko sa pagsagot sa quiz kanina.

"Andyan na sya," ani Mei habang nginunguya ang binili n'yang fries.

Nasa entrance na si Jayve habang may dalang pink at blue na bag. Mukha 'tong lalagyan ng lunch box. Anong trip neto? Alam ko namang sa pinsan n'ya galing ang lunch box pero ang sa akin lang naman, ba't naman pati 'yung bag? Nagmumukha s'yang dambuhalang kinder!

"T*ngna! Ano naman 'yang dala ni Jayve?!" Natatawang sabi ni Mich.

Pati tuloy ang ibang kumakain ay napapatingin sa kanya. Tapos ay magbubulungan bago maghahagikhikan. 

Inilibot n'ya ang tingin nya habang nakakunot ang noo. Itinaas ni Mich ang kamay n'ya kaya natagpuan nya kami, agad namang lumiwanag ang mukha nya. Nang malapit na s'ya sa amin ay may isang babae ang humarang sa daraanan nya. Agad tumikwas pataas 'yung kilay ko.

"Hi, J-Jayve," kinakabahang ani nung babae.

Mukha 'tong first year. Maganda, hanggang balikat ang buhok at petite ang katawan. Mukha ring mahinhin 'to na agad ikinainis ko. Hindi ko talaga alam kung bakit pero parang may galit ako sa mga mahihinhin na tao.

"Yes? How may I help you, Miss Beautiful?" Ngiting tanong ni Jayve.

Bahagyang pumula ang pisngi ng babae at napalunok rin s'ya ng mariin.
"J-Jayve... C-Can I have y-your number?"

Halatang kinakabahan ang babae. Kahit naman siguro sinong babae, kapag nanghingi ng numero mula sa lalaki ay kakabahan. Hindi naman kasi lahat ng babae ay may lakas nang loob na gawin 'to. Halata din namang may gusto ito sa lalaki at sa kabila nang pagiging mahiyain nya, kataka-takang kaya n'yang manghingi ng numero, ah.

Iba din.

" Desperada. Tsk. " Rinig kong bulong ni Mei.

Bored lang itong nakatingin sa eksena samantalang mukha namang kinakabahan si Serene. Agad akong napangiwi sa isip, mukha pa kasi s'yang kinakabahan kay'sa sa babae.  Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa harap.

Holding You CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon