Since we we're kids, I was pampered by the two guys beside me.Madalas kong nakukuha ang gusto ko dahil sa kanilang dalawa. Madalas din na napapasali ako noon sa gulo pero wala rin namang nangyayari dahil pinagtatakpan ako ng dalawa kong kaibigan kung kaya't 'di ito umaabot sa parents namin.
Lumaki akong nasanay sa presensya at atensyon nilang dalawa. Kaya nga noong mga oras na sinabi sa 'min ni Ryxel na aalis s'ya, parang pinutulan ako ng isang paa.
I felt so betrayed that time. Wala na ang isa sa dalawang taong pumuprotekta sa 'kin. Aalis na ito't iiwan ako at wala kaming ni-kaunting assurance na babalik pa ito.
And what hurt the most is when Ry cut our connection for each other. I felt so left behind. Pakiramdam ko'y iiwan din ako ni Jayve anytime.
But thank God because Jayve stayed with me.
Palagi s'yang nasa tabi ko sa t'wing kailangan ko s'ya. He's with me on my every obstacles of difficulty and milestone of success. He's there when I want to rant about certain things. He's always there.
Kaya siguro gano'n nalang ang nararamdaman ko dahil alam kong malaki ang possibility na mahati ang atensyon niya sa amin ng babaeng mamahalin niya. And worse, makalimutan n'ya ako.
I'm so dependent on him kaya alam kong mahihirapan ako ng sobra. Sinanay niya kasi ako na lagi akong nasa priorities n'ya. Na uunahin n'ya ako lagi.
Hindi ko man lang naisip noon ang possibility na baka... Iiwan n'ya ako.
Naging sila din naman noon ni Mini pero hindi ako nag-overact ng ganito. Parang wala lang. Hindi ko talaga maintindihan kung ano nga ba ang nangyayari sa akin.
Hindi ko matukoy kung kailan nagsimula pero natatakot na ako. Pakiramdam ko ay napakasama ko nang kaibigan dahil hadlang ako sa kanila ni Serene.
I should stop this. All of this. The thing I'm feeling right now can cause nothing but trouble.
Nasasaktan ako nang walang malalim na dahilan. Naiinis ako sa mababaw na nga bagay bagay at mali 'yon. Maling mali. Lalo na't pareho kong kaibigan ang involve dito.
Kinabukasan ay pumasok ako nang tila wala pa ring gana. Napag-alaman kong hindi rin nakapasok si Jayve, siguro'y dahil hindi pa 'to okay.
Sana maging okay na si Tukmol.
"Asan na 'yong anino mo, Al?" Tanong ni Mich.
Nandito kaming tatlo sa canteen at naghahanda na para sa tanghalian. Hinihintay nalang namin si Serene na may binibili pa sa counter. Nakasunod din sa kaniya ang iilang mata ng mga kalalakihan at tila hangang-hanga pa rin sa kaniya.
Bumili rin naman ako sa counter pero ba't walang ganyang eklavu? Medyo madaya, ah. May favoritism talaga 'yong mga tao sa Pilipinas.
"Wala, may lagnat daw." Sagot ko naman at ibinaling ang tingin sa kaniya.
Napa-oww naman siya at sumimsim nalang sa coke niya. Maya maya pa ay biglang nanlaki ang mga mata niya at binalingan ako.
"Hoy, babae," she suddenly called. "Kita mo 'yang lalaking 'yan?" Tukoy niya sa lalaking kakapasok pa lang ng canteen.
"Oh? Why?"
"Nasa Criminology 'yan. Bali-balitang crush ka raw," natatawang ani niya kaya napataas ang kilay ko.
Ngayon ko lang nalaman na may nagkakagusto pala sa akin. O baka naman pinag-t-tripan na naman ako ng babaeng 'to? Tinignan ko siya gamit ang mata kong nang-aakusa.
"Ginu-good time mo na naman ako, Mitchell."
Natawa siya ng bahagya. "Hindi! Tingnan mo, ah. Tatawagin ko, sandali," bigla niyang sinitsitan ang lalaki kanina.
BINABASA MO ANG
Holding You Close
RomanceKung ikaw ang papipiliin. Yung taong hinintay mo ng mahabang taon o ang taong nanatili sa tabi mo sa mga panahong 'yon? "All I want is to love and hold you... Closely"