CHAPTER 3

7 4 0
                                    

C3:KILALA

"Napakadaya mo talaga!" Sabi ko habang hinihingal.

Nandito kaming dalawa ni Jayve sa court at naglalaro ng basketball. And what do you expect from this j*rk, syempre mandadaya sya.

"What? That's how basketball works, be attentive kasi," natatawang ani nya pa.

Napanguso ako. " Eh, gago ka! Na-shoot ko na ata 'yun, ba't mo ni-block!"

"Kung hindi ko 'yon hinarang, na-shoot mo na sana. "

Sinamaan ko sya ng tingin bago sinapak ng mahina sa braso. Natatawa nya naman 'yong sinangga. Kainis talaga! Samahan pa ng ngisi nyang nakakademonyo. Sarap tuloy ipakain sa kanya yung buong bola.

"Sige, game!" Sabi ko at inumpok pabalik sa kanya ang bola.

One on one game kami ngayon. Sa kanya ang bola at ako naman ang kailangang humarang sa kanya. Isang matagumpay na ngisi ang ginawa nya bago nagsimulang mag-dribble.

Isa talaga sa kahinaan ko kapag naglalaro kami ay ang pamatayan nyang ngiti. Bakit ba kasi kailangan nyang ngumiti? Para syang asong ulol, p*sti.

Sinamaan ko sya ng tingin. "Wag ka ngang ngumiti!"

"Why? Distracted by my smiles? Careful baby, you might fall." Ngising sabi nya.

Nagsimula na syang humanap ng paraan para makadaan at makalapit sa ring para mai-shoot 'to. Ako naman ay tudo harang na at nagiging alerto.

"Sorry, I don't like Mutts."

Napangiwi sya sa sinabi ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na agawin sa kanya yung bola. Ngiting tagumpay ako habang dini-dribble ang bola at nag-uumpisa nang umabante.

Sya naman ay hinarap ako at sinubukan akong pigilan. Alam naming dalawa na mas magaling sya pagdating sa larangang 'to. He's a Varsiry Player. 'Di lang 'yon. Isa rin sy'ang MVP. Oo na, alam naming dalawa na walang wala ako. Eh, ano naman?

"Jayve," tawag ko sa kanya. Tinaasan nya ako ng kilay. "Pag sinabi ko bang kaya kitang lusutan, maniniwala ka? "

Mas lalong tumaas ang kilay nya. Mukhang hindi nga naniniwala. " Uh-huh? At paano naman 'yun?"

Sinubukan kong lumusot sa gawing kaliwa pero agaran nya'ng naharang ang bahanging 'yon. Natawa ako nalang ako nang maangas nya akong kindatan.

"You can't scape with me,"

"You sure?" Naghahamong tanong ko.

"Nakangisi pa sya at maangas na tumango.

"Hey boy, you got m'heart."

And boom, natigilan nga sya. 'Yon na ang pagkakataon ko kaya agad akong lumusot at nag-dribble palapit sa ring para mai-shoot 'to. Tuwang-tuwa ako nang ma-shoot ko nga ang bola.

Nakangisi ko syang binalingan. Napapailing nalang sya bago natatawang naupo sa semento. Lumapit naman ako at dala ang bola ay naupo din ako.

"Ang daya mo," sabi nya na tinawanan ko lang naman.

"It's not daya, that's called para paraan," natatawang sabi ko.

Sinamaan nya ako ng tingin. " Napakadaya mo. Ba't ba palagi mo akong nalulusutan?"

"Womens can be a poison, honey." Madrama kong sabi habang nakangisi.

'Di ko alam kung saang palabas ko 'yon nakita, basta't minsan ko na 'yong narinig sa TV. Narinig ko pa ang bahagya nyang pag 'tsk' bago pabuntong hininga na inangat ulo. Ginawa nyang pang tungkod ang kamay nya sa likod upang malaya nyang makita ang ceiling.

Holding You CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon