Chapter 2

43 4 0
                                    

It's been a month since Zei's birthday at hanggang ngayon ay hindi ko pa din maintindihan kung bakit nya nasabi na I should stay with Quel's company e wala naman silang kumpanya?

"Argh!" kahit ilang ulit ko pang lokohin ang sarili ko ay wala rin naman akong mapapala, it's been fvcking month but still I can't manage myself to face him-- them- his whole family but except of his brother na sumpa sa buhay ko.

katok ni mama ang nakapagpatigil saakin "love, hinihintay ka ni Quel kanina pa. Nababagot na yung tao kinain na ata pati pagkain ni Ibib." mahina akong napatawa dahil sa palayaw ng aso namin na si eve

Dali-dali akong bumangon para buksan ang pinto, bumungad saakin si Mama na ngayon ay nakangisi na "Joke lang anak, kakagatin muna sya ni ibib bago nya maagawan yun ng pagkain." pagbibiro nya nanaman

kinunutan ko sya ng noo, "Ito talagang mama ko," I gave her a hug, she only squeeze me and point downstairs giving me command to go down.

Naabutan kong naglalaro ng chess si Quel sa baba kasama ng kapatid ko. "Madaya ka ninakaw mo yung horse ko, ate Sol!"

"You lose palakol, now where's the prize?" she showed her hand in front of him like she's asking for something, nakakatitig lang ako sakanilang dalawa habang pababa ng hagdan ng biglang inilabas ni Quel ang kanyang wallet at naglabas ng limang libo at agad naman yun kinuha ng kapatid ko kaya napatakbo ako

"Quel! tarantado ka kailan ka pa naging si kuya wil?" binawi ko ang pera kay Ate sol, "At kailan ka pa tumatanggap ng suhol 'te?"

"Anong suhol?" binawi nya ang pera sa kamay ko, "We're playing love, we have bet and I won!"

humarap ako kay Axxquel, "Nakikipaglaro ka dito e maduga 'to?"

he pouted his lips, "Luna, dinaya ako ng ate mo." nagkunwari pa syang umiiyak kaya nabatukan ko sya

"Laro laro ka di ka naman pala marunong na palakol ka! kailan pa nauna ilaban ang king ha, siraulo ka!" muling pang-aasar ng kapatid ko sakanya

nanatiling nakasimangot si Quel ng bumaba si Mama.  "Oh, what happened to my boy?"

He pointed ate Sol na ngayon ay ngingisi-ngisi.

"It's nothing 'Ma, akyat na po kami." hila-hila ko si Quel paakyat sa kwarto ko, wala syang nagawa kundi magpadala at sumunod

"Luna it's oka--"

"Isusumbong kita kay Tita, kaya siguro nauubos ang allowance mo kase nagpapadaya ka kay Ate."

napailing sya, "Nope, it's our first time to play at hindi na ako uulit." he gave me a smile, agad kong inabot ang buhok nya para guluhin. Napanatag naman ako dahil doon, dahil halos ilang buwan ng nauubusan si Quel ng allowance at hindi ko din alam kung saan nya ginagastos. Wala naman akong pakealam ang kaso lang pati si tita ay nangangamba na din.

"You should go home Quel, malapit ng gumabi." tumango sya at tumayo, hinatid ko sya pababa hanggang pinto. Gusto ko pa sana sya ihatid sa paradahan pero tumanggi na sya, delikado na daw baka may makasalubong akong tambay sa daan.

Sinalubong ako ni Mama na may dalang bilog na tupperware, "Nasaan na si Quel?" nilibot nya ang mata

"Pinauwi ko na 'Ma, bakit?"

napasimangot sya, "Bakit mo naman pinauwi kaagad 'nak? pababaunan ko sana nung bineyk natin kagabi."

"Bukas nalang po 'Ma, may pasok naman kami bukas e--"

" 'De, samahan mo'ko mag-grocery baka maabutan pa naten yun sa paradahan." sabat ni ate Sol

"Pagabi na Soleng anak," pagtutol ni mama

Adoring your Luminance (Celestial series #1)Where stories live. Discover now