Chapter 7

48 2 0
                                    

"Luna Amora De Villa?.... Luna? absent ba si Luna?" galit na boses ni Sir Muñoz ang nakapagpataranta saakin.

Kabado akong lumingon sa harapan at hindi alam ang gagawin, mabuti nalang ay agad inabot ni Axxquel ang kanang kamay ko tsaka ito tinaas. "Present po, Sir." anito at saka lang ako natauhan.

"Sorry Sir, present po." nahihiyang paumanhin ko. Marahan pa akong napatapik sa noo dahil sa kahihiyan.

"Pay attention in my class De Villa, if you're doing something, you're free to leave." sabi pa ni Sir

"No Sir. Sorry." halos yumuko na ako sa table para di na ako makita ni sir Muñoz

"Ano problema mo? lutang ka kanina pa." pabulong na tanong saakin ni Quel

ngumiti ako ng konti. "Gutom lang siguro."

"Gutom ka nanaman? palagi ka nalang gutom Luna." nilingon kami ni Vernon na nasa harapan ni Quel

marahan na sinapak ni Quel ang mukha niya pabaling paharap bago pa kami mapansin ulit ni sir. "Chismoso."

Yumuko nalang ako ulit at napapikit. Naalala ko nanaman ang kagagahan ko kaninang umaga. I slept in Zeinon's room. Yes! instead na guestroom ang papasukan ko ay sa maling room ako napunta-- ay no, actually sa tamang room naman talaga peroo sheeet lang luna!

"Shit!" hindi ako makasigaw kaya ipinadyak-padyak ko nalang ang paa ko sa ilalim ng table habang patuloy na minumura ang sarili ko ng pabulong. Nakakahiya talaga! kahit pa ang bumungad saakin ay ang 4 packs abs niya hindi parin yun nakatulong para ma encourage ko ang sarili ko na okay lang yun. Na okay lang na doon ako natulog sa kwarto niya kagabi.

Ambobo naman kasi ni Quel magbigay ng direction. Kasalanan niya talaga 'to kung bakit doon ako nagising sa kwarto ng kapatid niya-- hindi, dapat thankful talaga ako kay Quel, kaso diba... kung maayos lang ang naging direction niya na sa katabi pa pala ng room ng kuya niya ang guestroom edi sana alam ko... hindi ko man lang tuloy nayakap kagabi ni Zeinon.. kung alam ko lang talaga edi sana nakiss ko pa.

30 minutes pa na nagdiscuss si Sir Muñoz bago mag break time. Sa garden nalang ulit namin napagpasyahan na kumain ni Quel kasama ang apat niya pang kaibgan na ulupong.

"Kailan mag-aannounce ng official candidates for intrams Quel?" tanong ng pinsan ni Chinno na babae.. dikit na dikit ito kay Axxquel na akala mo naman ay magjowa.

"Bobo! nag-announce na kahapon diba? nag-photoshoot na nga sila nan ni Luna." sabi ni Chinno sa pinsan nya

tinignan siya nito ng masama tsaka bumaling saakin. "Luna nanaman? hayst!" padabog nitong kinuha ang gamit tsaka umalis.

Gulat akong napatitig sa umalis na babae.. "Anong ginawa ko doon?" hindi makapaniwalang ani ko.

"Pogi problem." biglang sabi ni Quel sabay kibit ng balikat.

Inis kong ibinato sakanya ang paper cup na nasa harap ko. Tangina neto, kaya ayokong sumasama dito kapag may umaaligid-aligid sakanyang babae e.. ako palagi nakikita. Haeop!

"Aray! joke lang naman" reklamo nito. "Tangina kasi ng pinsan ni Chinno! sino bang nagyaya don?"

"Hindi ako.. ni-hindi nga kami close nun, di ko nga din alam na pinsan ko yun e." walang kwentang sabi ni Chinno

"Tarantado ka! parang nakita ko pa nung isang araw hinatid mo yon!" ani Winston sabay sapok sa kaibigan

"Gagi pree, hindi ko talaga alam na pinsan ko yun. Buti nalang walang nangyari saamin."

Adoring your Luminance (Celestial series #1)Where stories live. Discover now