Chapter 6

34 2 0
                                    

"Mahapdi pa?"

Awtomatiko akong napatango sa tanong ni kuya Zei. For the second time ay nakita ko nanaman ang sarili kong ginagamot ng mabangong nilalang na ito.

Hays, pasado na.. pwede ng asawahin talaga.

"This is the second time you heal my wound this day kuys, pano kita mababayaran niyan?"  gusto mo kiss nalang? birong tanong ko

Agad niyang nasapo ang tingin ko, nakatitig nanaman siya saakin-- este ako pala ang nakatitig sakanya.

"You don't have to.." tipid na aniya at iniwas ang paningin saakin

"Ay hindi pwede, dapat meron." walanghiyang sabi ko

Wala sila tita dito, si Quel at si Elisa tanging kami lang dalawa ang nasa library kasi naglilinis pa sila sa baba.

Ang kapal talaga ng mukha ko.. dapat ako ang naglilinis doon at hindi sila.

"Okay na ba kuys? kahit wag mo na pong lagyan ng bandage nakakalakad pa naman ako."


"Wag kang malikot." nagulat pero nagawa ko pa din sumunod sakanya. Nanahimik nalang ako at umayos ng upo sa sofa.

Minuto ang lumipas ay hindi pa din siya tapos sa paglagay ng bandage sa paa ko. Sabi na kasing wag na lagyan e, maliit lang naman ang sugat ko malayo sa ikamamatay ko.

"Kuys hirap na hirap kana, wag mo na kasing lagyan." tawang-tawa na sabi ko, kanina niya pa pinapaikot-ikot ang bandage sa paa ko pero hanggang ngayon pinapaikot-ikot niya pa den.

"Shut up.. ang likot mo kasi."

Hala! mukha na nga akong estatwa rito tapos sasabihin niyang malikot ako?

"Oy! kulang na nga lang simentuhin mo'ko dito e." reklamo ko

"You're the friskiest person I've ever known." bulong niya pa pero narinig ko din naman, kaso hindi ko naintindihan... ano daw ako? freak?

"Hoy! hindi ako freak!"

Ito, minsan na nga lang kami mag-usap sasabihan pa ako ng freak. Porket crush ko siya.

natigil ako sa pagrrant ko sakanya nang maramdaman kong nakatitig nanaman siya saakin... yes! hindi na 'to assume lang, nakatitig na talaga siya saakin ngayon!

"It's frisky, not freak."

f-frisky---

"Ah.. m-magkatunog naman kasi. Ito naman makahusga naman 'to.." ako lang 'to Zei, ang future mo.

"Done.. frisky."

umikot ang mata ko sakanya, for the first time ay tinarayan ko siya. Bukas ko nalang ulit siya mamahalin.. for now tampo muna ako sakanya kasi inaaway niya ako.

Saktong pagtayo ni kuya Zei ay ang pagpasok nila tita kasama si Quel at ang kapatid ko.

"Sweetie, I called your mom.. I told her na dito na muna kayo matutulog for now kasi hindi ka pa magaling." bungad ni tita saamin

Whoa-- maliit lang naman po ang sugat ko... malayong malayo sa bituka, atay at puso.

"Tita no need na po, kayang kaya po namin umuwi ni Eli."

"No sweetie... gabi na tsaka delikado na."

sinipat ko ang relo ko, 8:27 palang.

"May pasok po bukas tita, wala po kaming extra uniform."

"That's not a problem sweetie, madaming naiwan na damit si Vien sa room niya kaya magpalit na kayo. Ang uniform nyo ibigay nyo kay Quel para labahan niya."

Adoring your Luminance (Celestial series #1)Where stories live. Discover now