Chapter 5

46 2 0
                                    

"Ito pa 'nak! kumain ka pa ng madami." muli akong ipinagsandok ng kanin ni Tita.

Grabe ang pagka-miss niya saakin feeling ko nga mas anak niya na ako kesa kila Quel. Kanina ay sinalubong niya agad ako ng yakap nang makapasok kami sa bahay, chinika nya agad ako kung bakit ngayon nalang ako bumisita sakanila. Kahit nga humalik sa pisngi ng dalawang anak nya binalewala e, kaya issuggest ko sana na ako nalang ang hahalik sa panganay niya, charot!

But I actually missed her hugs for real! parang gusto ko nalang makipagpalit ng nanay kay Quel, sakanya ang mama ko tapos akin ang mama niya hihi.


"Mom, busog na si Luna. Tataba na si Luna." muling humalakhak si Quel, kanina niya pa ako binibiro dahil sa inaasta ng Ina.

Pero okay lang, hindi naman ako tumataba kahit madami akong kainin. Pang kargador nga ang kain ko e pero di naman ako lumalaki.


"No! she lost her weight. Tignan mo nga at pumayat ng konti ang anak ko!"


Pansin kong napalingon saakin si Ate Sandra, maging ang pag-ngisi ni Elisa ay di nakatakas sa paningin ko.

"Anong anak Mom? ako kaya ang anak mo." ngumuso si Quel

"Quel sweetie not now please, I really missed my Luna." ani Tita, hinaplos pa nito ang kamay ng nagtatampong anak

Natatawa nalang sakanila si Tito Greg, pati ako nakikitawa na din. Pero ang panganay nila ay tahimik lang na kumakain sa tapat ko.

Grabe naman ang isang 'to lahat kami ay nagsasaya na habang siya simangot pa din. Kulang ata 'to sa kiss-- este sa Enervon.

"KUNIN natin yung guitar sa taas." hinawakan ni Quel ang braso ko.

Katatapos palang namin kumain ng dessert. Si Tita ang naghuhugas ng pinagkainan at tinutulungan siya ni Ate Sandra, nagpapalakas yata kay Tita.


"Ayoko pang tumayo, busog pa ako!" inagaw ko ang braso ko kay Quel, nasa sala kami ngayon at nasa gitna nila akong dalawa ni Elisa sa mahabang sofa, habang nasa single couch naman si Kuya Zei nagbabasa ng libro.


"Okay, later then." aniya bago umupo ulit sa tabi ko.

Ngumiti nalang ako sakanya dahil busog na busog na talaga ako. Feeling ko nga uuwi ako ng maaga para doon na ilabas ang laman ng tiyan ko.


"Can't you get it yourself Axxquel? why do you have to bring her with you?" biglang tanong ng nagbabasang si Zei.

Bahagyang umawang ang labi ko dahil doon, seryoso ba ito? himala at nagsalita siya.


"Why not, kuya?" nagtatakang tanong ng kapatid niya, kahit ako nagtataka din e.

Omg ha! baka gusto ni Zei na sya ang kasama ko kunin yung guitar upstairs?

Hala sure!


"Huy! bakit ka ngumingiti dyaan ate?"

"Ha?"

Nagulat ako sa pagkurot ni Eli sa tagiliran ko



"Ngumingiti-ngiti ka dyan." bulong niya ulit

Ako nakangiti?

"Bakit ako... nakangiti?" pabulong na tanong ko


umirap sya, "Aba malay ko! baliw ka!"

Kahit kailan talaga 'tong kapatid ko napakasama ng ugali, hindi minana ang kagandahan ko.. este kagandahang loob ko.


Isang oras ang lumipas ay nagpaalam na si Ate Sandra, akala ko pa nga ihahatid sya ni Zei pero hindi pala, dahil maglulumpasay talaga ako kapag ipag-ddrive nya pa si Sandra pauwi.



Adoring your Luminance (Celestial series #1)Where stories live. Discover now