Chapter 3

45 3 0
                                    

Saktong  7:23 pm na ng dumating kami sa bahay. Sa sobrang pag-aalala ni mama ay hindi pa nakakapasok ang kotse sa bakod ay nakaabang na sya sa may pinto.

"Bakit ang tagal nyo? ginabi na kayo masyado." bungad ni Mama

"Ang padaba mo kase 'Ma nag request ng jollibee, ayan inabot ng siyam siyam sa pila." ani ko habang bitbit ang ibang grocery bags

Hanep na yan, sabi daw 30 minutes pero inabot sila ng isang oras! buti nalang walang multo sa parking lot,

Anghel lang.

"Dami mong alam, kakain ka rin naman!" muntik ko ng mabitawan ang paper bags na dala-dala ko dahil binunggo nya ako

"Talagang kakain ako, uubusan pa kita ta'mo!" I was so annoyed when she rolled her eyes at me, kung pwede lang ibato ko tong repolyo sa ulo nya ay ginawa ko na.

"Luna nasaan yung pulang paper bag?" gulat akong napalingon kay ate sol, she's pertaining to the paper bag that I gave to Zei na ngayon ay pinagsisisihan ko na.

Dapat pala hindi ko nalang binigay, what if dahil sa inis nya saakin ay itapon nya yun?

But wait, naiinis ba sya sakin?  or nag-aassume lang ako or na misunderstood ko lang yung sinabi nya?

I blinked, "B-binigay ko kay kuya Zei k-kanina.." utal-utal na sagot ko

kumunot naman ang noo ni Ate, "Why are you stuttering, then?"

oo nga, bakit ba ako nauutal? "M-malamig na k-kase te," nagkunwari nalang akong giniginaw habang yakap yung mga grocery bags

She only nodded her head. Walang may alam na may gusto ako kay kuya Zei, kahit ang kapatid nyang may saltik sa ulo ay wala ding alam.

I don't know how to tell to them kase dati ay in denial pa ako, akala ko normal lang yun at mawawala din pero habang tumatagal ay mas lalong lumalala. I thought it was just a simple admire pero nag-iba, kase habang tumatagal ay mas ginugusto ko sya, kahit di nya ako mapansin o ayaw nya akong pansinin ayos lang, kahit di nya alam ang pangalan ko okay lang ang importante ay mas maganda ako kay Sandra, giatay na mestiza na yan, mas maputi lang sya pero mas maganda ako sakanya!

"Oh my gosh! you really bought this for me Ate?" napayakap ako sakanya sa sobrang tuwa, katatapos lang namin kumain kaya nagliligpit na kami ng mga pinamili when she handed me the book that I want to buy kanina

"Ako ang nagbayad pero si Eli ang pumili." tipid na aniya

nakangiti naman akong bumaling kay eli sabay takbo upang yakapin sya

"Yes, yes. You're welcome." nairita sya sa biglang pagyakap ko kaya mas lalo ko pa siyang inirita, pinugpog ko ng halik ang pisngi niya "Ew Ate! stop!"

I chuckled on her reaction, halatang inis na inis sya sa ginagawa ko

"I'm just kissing you li'l sis, what's wrong with that?"

marahan nyang pinunasan ang pisngi niya, "Puro laway Ateeee!" napatawa nalang ako

"Ito pa Luna!" muli akong lumapit kay ate, she gave me a set of highlighter now

"Kala ko kay Eli 'to?"

sya lang naman mahilig sa mga stabilo.

"She get three, para daw wala ng manghihiram sakanya." tamad na sagot ni Ate

"Arte, ta'mo kakainin nya lang din naman yung mga sinabi nya kapag naubos na highlighters nya, sya lang naman magastos sa stabilo ewan ko dyan ginagawa yatang color." asik ko pa

Sa sobra sigurong kaadikan sa stabilo ginawa ng pangkulay sa kung ano-ano sa kwarto nya. Eli loves art.

"Tignan mo 'te ugali nya," sabat ni eli na kalalabas lang ng kusina, "how hard to say 'thank you' ate Luna?"

Adoring your Luminance (Celestial series #1)Where stories live. Discover now